GMA Logo Candy Pangilinan, Carmina Villarroel, Gelli, and Janice de Belen
PHOTO SOURCE: YouTube: Wala Pa Kaming Title
What's Hot

Candy Pangilinan, Carmina Villarroel, Gelli, at Janice de Belen, nagsalita tungkol sa patuloy na pagbaha sa bansa

By Maine Aquino
Published October 6, 2025 4:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ebola outbreak is continuing to outpace the response, says WHO
Tagbilaran City Police, Gimanduan sa Pag-imbentaryo sa Tanang Service Firearms | Balitang Bisdak
Local fast food giant scores double victory at PR Awards Asia-Pacific for Gaming and Literacy Campaigns

Article Inside Page


Showbiz News

Candy Pangilinan, Carmina Villarroel, Gelli, and Janice de Belen


Alamin ang mga nararamdaman nina Candy Pangilinan, Carmina Villarroel, Gelli de Belen, at Janice de Belen tungkol sa lumalalang pagbaha at ang mga paghihirap ng mga Pinoy.

Naging bukas sa pagkuwento ang mga aktres na sina Candy Pangilinan, Carmina Villarroel, Gelli de Belen, at Janice de Belen tungkol sa kanilang karanasan sa baha sa gitna ng lumalaking usapin sa flood control projects at korapsyon.

Kasama pa sa kanilang diskusyon ang nararamdaman para sa bansa at sa mga kapwa Pilipinong patuloy na nahihirapan sa pamumuhay kapag bumabaha sa kani-kanilang lugar.

Candy Pangilinan Carmina Villarroel Gelli and Janice de Belen

PHOTO SOURCE: YouTube: Wala Pa Kaming Title

Ipinakita kung paano naging emosyonal si Candy sa kanilang topic. Pag-amin ni Candy sa kanilang podcast na Wala Pa Kaming Title, "Naiiyak ako sa pikon. Kasi nafi-feel ko na, napapagod kasi ako e kakatrabaho."

Si Carmina ay naisip naman ang kalagayan ng mga patuloy na naghahanap-buhay sa gitna ng baha.

"Imaginin mo tayo ganito na. What more 'yung mga kababayan natin nagko-commute, minimum wage."

Dugtong pa ni Gelli, "Imaginin mo kung papaano sila mag-commute 'pag baha? Hindi lang 'yung pag-commute, hindi sila makasakay. Wala silang masakyan."

Ayon naman kay Janice, hindi dapat sabihin na normal ang pagbaha. Paliwanag niya sa episode na ito, "Hindi siya dapat nino-normalize, they need to do something about it... It's not a way of life because maraming namamatayan, nawawalan ng bahay, and people can't live in evacuation areas all the time."

Diin ni Gelli, "Feeling ko dapat isipin nating mga Pinoy na hindi. Dapat ayusin 'yan, we deserve it."

Panoorin ang kabuuan ng kanilang usapan dito:


SAMANTALA, NARITO ANG IBA PANG MGA CELEBRITY HOSTED PODCASTS: