
Binalikan ni Candy Pangilinan ang isang balita tungkol sa kanya na hinding hindi niya malilimutan -- naging biktima siya ng death hoax.
Ikinuwento ni Candy sa Wala Pa Kaming Title podcast kasama ang kanyang mga kaibigang sina Carmina Villarroel, Gelli, at Janice De Belen ang kanyang na-experience na death hoax noon at kung saan ito nagmula.
PHOTO SOURCE: YouTube: Carmina Villarroel-Legaspi
Pag-amin ni Candy, "Worst sa akin na tsismis, madami e, pero meron akong isa na nagulat na lang ako, patay ako. Nalaman ko na patay ako."
Ayon pa kay Candy, naging big news ito at napasugod pa ang kanyang kaibigan.
"'Yung friend kong si Frances sumugod sa bahay nagwawala. Si Candy, si Candy!"
Inilahad ng aktres na nangyari ito noong kapapanganak niya pa lang kay Quentin at nagdesisyon siyang sumailalim sa isang cosmetic procedure.
"Kasi noong time na 'yun bagong panganak ako. Nagpa-lipo (liposuction) ako. So gusto ko pang i-secret na nagpa-lipo ako... Nag-legit na hospital para ano talaga."
Saad pa ni Candy sa podcast, sigurado siyang ang kanyang tanong ang pinagmulan ng balita.
"Dito nanggaling yung tsismis. I am definitely sure dito nanggaling yung tsismis. Bago pumasok ng OR (Operating Room) nagtanong ako, 'may namatay na po sa lipo?' 'Yun ang tinanong ko bago ako sinedate."
Paliwanag ni Candy, kumalat ang balita pagkalabas niya ng ospital.
"Paglabas ko ng ospital, a day after, sinusugod na ako. Nasa news na patay na ako."
Dugtong pa ni Candy, "Akala ko, hindi malaking news. Pero tinatawagan ako sa phone. Nakita ko hindi ko kilala 'yung number, nasa kotse ako. 'Pag ano ko si Kris Aquino, The Buzz, ini-interview ako. Kasi big news patay ako."
Natatawang kuwento pa ni Candy kina Carmina, Gelli, at Janice, "Sabi ko talaga, kasi ho sinisikreto ko ho sana. Dahil lang sa tanong ko na may namatay na ba po sa lipo? Ang lumabas patay na ako e sinisikreto ko nga 'yung lipo ko."
Panoorin ang kabuuang kuwentong ito ni Candy:
NARITO ANG ILANG TENDER MOMENTS NINA CANDY AT QUENTIN: