GMA Logo Candy Pangilinan and Quentin
Photo by: Candy Pangilinan YT, candypangilinan IG
Celebrity Life

Candy Pangilinan sa kaniyang breakdown video: 'It was the first time actually'

By Kristine Kang
Published June 2, 2025 12:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

YEARENDER: Flood control cases, complaints, referrals filed in 2025
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Candy Pangilinan and Quentin


Alamin ang kuwento ni Candy Pangilinan tungkol sa nangyaring tantrum ng kaniyang anak na si Quentin, dito.

Isa si Candy Pangilinan sa mga itinuturing na inspirasyon ng ilang netizens dahil sa kaniyang dedikasyon at pagmamahal sa kaniyang anak na si Quentin na may autism.

Madalas siyang magbahagi ng kaniyang mga karanasan bilang ina sa pamamagitan ng content videos at larawan sa social media.

Noong Abril, isang emosyonal na video ang nag-viral kung saan makikitang nahirapan si Candy habang hinaharap sa isang challenging moment kasama si Quentin.

Habang nasa biyahe, biglang nag-tantrum si Quentin sa backseat ng sasakyan. Si Candy naman, dala marahil ng pagod at emosyon, ay hindi napigilang umiyak.

"Pagod na nga kasi si mom, tama na!" pakiusap ni Candy sa kaniyang anak. "Napapagod na si mommy. Hindi ka na makuha sa mabuting usapan. Hindi ka na makuha sa galit."

Maraming netizens ang naantig sa video at nagpahayag ng paghanga sa aktres. Sa isang panayam kay Aiko Melendez, ibinahagi ni Candy ang kaniyang saloobin ukol sa pinag-usapang video.

"It was the first time actually na nagpakita ako ng pagod kay Quentin na ganoon ako kahina," ani ni Candy. "Kasi most of the time kapag nagka-tantrum si Quentin, I just keep quiet, hindi ako nagre-react, (at) hinahayaan ko lang siya."

Inamin din ng aktres na hindi niya alam kung bakit siya bigla na lang umiyak, ngunit marahil ay bunga ito ng patong-patong na pagod at emosyon na kaniyang nararamdaman noong mga panahong iyon.

"It was actually before ako ma-confine sa ospital, before my operation. May nararamdaman na pala ako," pagbabahagi niya.

Kamakailan lamang, sumailalim si Candy sa operasyon para sa kaniyang gallbladder at gallstones. Dahil dito, sa ospital na rin siya nagdiwang ng kaniyang kaarawan.

"Kaya ko parating sinasabi na huminga at magpahinga kasi you have to take care of yourself," dagdag niya. "Hindi natin alam na anytime may sakit ka na pala, may nararamdaman ka na pala. Your child needs you, your family needs you."

Para sa mga may pinagdadaanan sa buhay, payo ni Candy ang taimtim na pagdarasal upang magkaroon ng lakas na harapin ang anumang pagsubok.

"Kasi 'yun talaga ang mapagsusumbungan mo, wala ng iba e," sabi niya. "You cannot depend your happiness to anyone or anybody, because they will all fall short of your expectation. But you can only depend your happiness to God because he will never fail you. "

BALIKAN ANG TENDER MOMENTS NINA CANDY PANGILINAN AT QUENTIN, DITO: