GMA Logo Candy Pangilinan and Quentin
Photo by: Screenshot from Candy Pangilinan YouTube channel
Celebrity Life

Candy Pangilinan shares how son Quentin is coping after his grandmother's passing

By Aimee Anoc
Published February 21, 2026 4:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BIR: ₱460.98M in revenues protected amid anti-illicit tobacco ops
GMA Network caps 2025 with ratings leadership, digital dominance
Philippine classic 'Noli Me Tangere' set for Arabic translation

Article Inside Page


Showbiz News

Candy Pangilinan and Quentin


Candy Pangilinan sa pagbabagong nakita kay Quentin: "Bigla siyang naging helpful. Basta mas naging extra caring si Quentin... This is the day after namin ilibing si Mama."

May mga napansing pagbabago si Candy Pangilinan sa anak na si Quentin matapos ang pagpanaw ng kanyang inang si Dori Espiritu noong February 10.

Sa kanyang YouTube channel, ikinuwento ni Candy kung paanong hinaharap ngayon ng anak ang pagkawala ng kanyang lola.

Ayon kay Candy, napansin niya na naging matulungin at "extra caring" ngayon sa kanya ang anak na si Quentin.

"Bigla siyang naging helpful. Kahit nandito sa bahay, tumutulong siya. Parang inaalagaan niya ako ngayon. Basta mas naging extra caring si Quentin... This is the day after namin ilibing si Mama," kuwento ng aktres.

"This is how Quentin is. Maliban sa pansin kong extra caring siya, there's something different about Quentin. This is Quentin trying to cope up. Slowly ina-assimilate niya kung anong nangyari.

Ipinakita rin ni Candy ang video ng anak habang kinakausap ang larawan ng kanyang lola.
Anang aktres, mula nang umagang iyon ay walang ginawa ang kanyang anak kundi ang kausapin ang pictures ng kanyang lola. Sinabi rin sa kanya ng anak na sabihin sa kanyang lola na "Go home na."

Si Quentin na rin aniya ang nagpapakain sa kanilang alagang aso na si Milo, na dati ay ang ina niya ang nagpapakain.

Ipinakita rin ni Candy ang pagbati ni Quentin sa larawan ng kanyang lola: "Hi! Nini. Hello! How are you? Good luck!"

Nang tanungin ang anak kung nasaan na ang kanyang lola, sagot ni Quentin, "Sa heaven."

Ikinuwento rin ni Candy ang mga napansin sa anak habang nakaburol ang kanyang ina. Aniya, "Well, napansin namin nung wake si Quentin mas hyper, takbo siya nang takbo, parang agitated siya, uneasy, tapos overwhelmed siya kasi maraming tao, pero at the same time napansin namin na mas hyper talaga siya, at saka mas bulol siya."

Nang tanungin ni Candy ang anak kung sad ba ito nang makita ang kanyang lola sa ospital, sagot ni Quentin, "Yes."

Ayon kay Candy, ang unang ginawa ni Quentin nang makita ang kanyang lola sa ospital ay hinawakan ito sa binti at sinabing, "Wake up, Nini! Wake up!"

Panoorin ang buong kuwento ni Candy Pangilinan kung paano niya sinabi sa anak na si Quentin ang pagkawala ng kanyang Lola Dori sa video na ito:

Video courtesy of Candy Pangilinan (YouTube)

Related content: TRIVIA: Things You Didn't Know about multi-talented mom Candy Pangilinan