What's Hot

Cannes Best Actress na si Jaclyn Jose, muntik nang mag-back out sa 'Ma' Rosa'

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 24, 2020 7:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit nga ba siya nagdalawang-isip tanggapin ang pelikulang 'Ma'Rosa?'


 

A photo posted by Jane Guck (@jaclynjose) on

 

Big winner ang Kapuso star na si Jaclyn Jose sa Cannes Film Festival dahil nauwi niya ang Best Actress award ngayong taon. Siya pa lang ang Pinay na nakatanggap ng prestihiyosong gantimpala sa buong Southeast Asia.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, muntik na umano umatras ang beteranang aktres sa independent film na Ma’Rosa ni Brillante Mendoza. Kinumpirma ito ng Pinay pride sa kanyang panayam sa Unang Hirit, “Oo, ang hirap kasi magpapayat eh [at ang] sarap kumain.”

Pero bakit nagbago ang kanyang isip? “‘Kung mapapalitan ako, mapapalitan si Andi [Eigenmann]’,” kuwento ng versatile actress. Dagdag pa niya, “[Gusto ko] maranasan [ng anak ko] ang mga naranasan ko when I was her age.”

Sa mismong film festival, kinilala rin si Andi ng Vanity Fair bilang Best Dressed sa red carpet kaya “nagkaroon siya ng dalawang national photo shoot.”

 

With Mama Rosa herself at the photo call held earlier today! #CannesFilmFestival #dreamsdoCannestrue

A photo posted by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on

 

READ:Andi Eigemann, proud of Jaclyn Jose for being first Filipina to bag Best Actress award in Cannes  

Samantala, hindi talaga akalain ng aktres na siya ang kikilalaning Best Actress dahil sa mga nominees. “‘Wala na ‘to, wala na’to,” ang kanyang naging reaksyon, dagdag niya, “[Sina] Isabelle Huppert [at] Marion Cotillard, [sila] po ‘yung mga bigating French [actresses] sa bansa [nila] na mas binibigyan nila ng priority kasi naman po napakahusay.”

READ: "They are all my idols" – Jaclyn Jose on beating Best Actress contenders at Cannes Film Festival 2016  

Sa Pilipinas niya na raw naramdaman ang kanyang pagkapanalo dahil sa mainit na salubong sa airport, “Kasi kasama mo na ang kapwa mo, although sa France, may mga Filipino [ring] nagsisigawan din talaga. Bonus na talaga ‘to, grabe!”

Nagpapasalamat si Jaclyn sa patuloy na pagsuporta sa kanya at inaalay niya ang kanyang pagkapanalo sa bawat Pilipino. Ipapalabas raw ang pelikula sa Metro Manila Film Festival.

MORE ON JACLYN JOSE:

WATCH: Jaclyn Jose's priceless reaction after her big win in Cannes 2016

Celebrities rejoice over Jaclyn Jose's win in Cannes 2016