
Ikinagulat ng buong industriya ang biglaang pagpanaw ng beterana at award-winning na aktres na si Jaclyn Jose.
Isa sa mga nagbigay ng tribute sa yumaong aktres ay ang kilalang international film festival na Cannes Film Festival.
Sa isang Instagram post ay ibinahagi ng Festival de Cannes ang isang litrato ni Jaclyn kuha noong 2016, kung saan ay nanalo siya sa naturang film festival.
Itinanghal na “Best Actress” ng Cannes Film Festival si Jaclyn para sa kanyang role sa pelikulang Ma'Rosa ni Brillante Mendoza.
Sa kanilang caption ay inalala ng organisasyon ang batikang aktres.
“On learning of the death of Filipina actress Jaclyn Jose, the Festival de Cannes remembers her face beaming with emotion when she received the Award for Best Actress in 2016 in Brillante Mendoza's Ma'Rosa,” ani nila.
Dagdag pa nila, “As with so many of her roles, she illuminated this beautiful portrait of a woman, embodying it with grace and humanity.”
Pumanaw si Jaclyn noong Marso 2, 2024 dahil sa myocardial infarction o heart attack.
Sa balita ng pagpanaw ni Jaclyn ay umulan ng mga posts at mensahe ng pakikiramay at mga pag-alala mula sa mga artista at mga naging anak-anakan niya sa industriya.