
Sa isang eksklusibong panayam sa programang Fast Talk with Boy Abunda, ipinaabot nina You're My Favorite Song lead stars na sina Caprice Cayetano at Heath Jornales, o mas kilala bilang ang 'CapEath,' ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa kanilang mga fans at supporters para sa walang-sawang pagsuporta sa kanila maging sa takbo ng kanilang mga karera.
Sa naturang episode ng afternoon talk show, itinanong ni Tito Boy kina Caprice at Heath kung mayroon ba silang mensaheng nais iparating sa kanilang mga tagahanga na todo ang suporta sa kanila lalo pa't nalalapit na ang pag-ere sa telebisyon ng kanilang serye sa GMA Afternoon Prime.
Ayon kay Caprice, nagpapasalamat siya at labis ang appreciation niya para sa lahat ng fans nila lalo na sa mga efforts nito upang suportahan sila. Aniya'y ang kinalalagyan nila ngayon ay bunga ng walang sawang pagsuporta mula sa mga ito.
Umaasa rin ang Kapuso young aktres na samahan at suportahan sila ng kanilang mga fans lalo na't magsisimula na ipalabas ang kanilang kauna-unahang pinagbibidahang serye na You're My Favorite Song.
“Gusto rin po namin sabihin sa kanila na na-appreciate po namin 'yung efforts nila at wala po kami rito kun'di po dahil sa kanila,” pahayag ni Caprice.
“We love you guys and thank you very much po at sana po suportahan po ninyo ang aming show na You're My Favorite Song,” dagdag pa niya.
Nagpahayag din ng kaniyang pasasalamat at pagpapahalaga sa kanilang mga fans si Heath kasunod ng tuloy-tuloy na pagsuporta ng mga ito sa kanilang mga ganap sa buhay maging sa kanilang lumalagong karera bilang mga artista.
“I really appreciate them so much and napaka-thankful ko po sa kanila,” pahayag ni Heath.
Ipinaabot din ng Kapuso young heartthrob ang kaniyang pagbati kay Caprice kasunod ng pagkakatampok nito sa music video ng kanta ni TJ Monterde na "Teka Lang" kasama sina Heart Evangelista ata John Prats.
“I just want to congratulate din si Caprice sa Teka Lang po, nag-two million views na raw po,” ani Heath.
Tinanong naman ni Tito Boy ang aktres kung ano ang nararamdaman niya sa tuwing makakatanggap siya ng mga komento na siya ang susunod na Heart Evangelista; inamin naman ni Caprice na labis ang pagkagulat at kasiyahan niya dahil isa siyang tunay na fan ng global fashion icon.
“Ako po, nagugulat po ako tuwing naririnig ko po 'yan at siyempre. Nakakatuwa po kasi nagfa-fan girling po ako everytime, kahit ilang kita na po kami ni Miss Heart, nagfa-fan girling pa rin po ako and may mga advice din po siya na binibigay pagdating po sa fashion,” sabi ni Caprice.
Isa pa sa ibinahagi ng aktres ang mga payong ibinigay sa kaniya ni Heart patungkol sa buhay, pati na rin sa fashion at lifestyle: “To always enjoy my childhood lang po at lagi lang po mag-explore, 'yung pagiging kikay po, sinusuportahan po niya.”
Huwag palampasin ang You're My Favorite Song kung saan magkakasamang bibida sa kauna-unahang pagkakataon ang 'CapEath' na sina Caprice Cayetano at Heath Jornales kasama pa sina Clifford at Marco Masa.
Kasama rin sa powerhouse cast na sina Waynona Collings, Lee Victor, Kairo Lazarte, Andrei Fajardo, Boboy Garrovillo, James Blanco, Katya Santos, at Wilma Doesnt. Sa direksyon ng premyadong direktor na si JP Habac.
Abangan ang You're My Favorite Song simula ngayong June 22, 4:00 ng hapon sa GMA Afternoon Prime!
Related Gallery: You're My Favorite Song cast turn heads at media day