GMA Logo Caprice Cayetano and Lella Ford in Its Showtime
Screenshot from It's Showtime
What's Hot

Caprice at Lella, nakisaya sa 'It's Showtime'; nagbigay ng mensahe sa kanilang fans

By Aimee Anoc
Published March 6, 2026 4:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

P7-15/L nga saka sa presyo sang gatong, posible ipatuman sa masunod nga semana | One Western Visayas
SPU-Tuguegarao grad named February 2026 Nurses licensure exam topnotcher
PropertyGuru Philippines Property Awards introduces new categories this year

Article Inside Page


Showbiz News

Caprice Cayetano and Lella Ford in Its Showtime


"Red at Rainbow" ang kulay na naglalarawan ngayon sa nararamdaman nina Caprice Cayetano at Lella Ford matapos tanghaling Big Winners ng 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0.'

Sa kauna-unahang pagkakataon bumisita sa It's Showtime ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 Big Winners na sina Caprice Cayetano at Lella Ford.

Sa kanilang pagbisita, masayang binati nina Caprice at Lella ang manonood ng "What's up, madlang people!"

Nang tanungin ng It's Showtime host na si Vhong Navarro kung anong kulay ang naglalarawan sa nararamdaman nila ngayon, sagot nina Lella at Caprice, "rainbow at red."

Ayon kay Lella, ito ay rainbow dahil halo-halo pa rin ang kanyang nararamdaman ngayon. Sabi niya, "Siguro rainbow na lang since mixed feelings pa po talaga ako now. I feel so happy, excited, and, syempre, kinakabahan kasi first ko po 'to."

Pula naman para kay Caprice dahil "masayang-masaya po ako at punong-puno po ng pagmamahal ang puso ko."

Inimbitahan din ni Caprice ang viewers na abangan ang lahat ng kanilang future projects dahil may inihahanda para sa kanila. Aniya, "Kaya abangan niyo po 'yon mga Kapuso at Kapamilya. Salamat."

Handang-handa na sina Caprice at Lella para sa mga proyektong darating sa kanila.

"Yes, ready na po," sabi ni Lella. "Ever since nasa loob pa po kami ng PBB pinag-uusapan na po talaga naming lahat na sobrang excited na po naming mag-work sa labas."

Bago matapos ang kuwentuhan kasama ang It's Showtime hosts na sina Vice Ganda, Jhong Hilario, at Vhong Navarro, nagbigay ng mensahe sina Caprice at Lella para sa kanilang fans.

"Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng sumusuporta at nagmamahal sa aming lahat. Nakikita po namin at nababasa po naming lahat 'yon. Kaya maraming-maraming salamat po. I love you, all. We love you," masayang mensahe ni Caprice.

Nagpasalamat din si Lella sa lahat ng mga sumusuporta sa kanila, "Gusto ko rin po magpasalamat sa lahat po ng sumusuporta sa aming lahat since day one, na-appreciate ko po kayo. And, I love you guys so much."

RELATED CONTENT: Caprice Cayetano's transformation from child star to 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0' Big Winner