
Mabibigat na mga eksena ang natunghayan sa Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0
Sa pagbisita ng Primera Kontrabida na si Gladys Reyes sa iconic house na ngayon ay PBB Hotel, nasubukan ang husay sa pag-arte ng Kapuso at Kapamilya housemates.
Related gallery: Meet the housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0
Sumabak sa actingan sina Caprice Cayetano, Ashley Sarmiento, Princess Aliyah, at Krystal Mejes sa Mara Clara Gen Z edition, kung saan naka-eksena nila si Gladys.
All-out na drama scenes ang nasaksihan, kabilang na rin ang pagsampal ni Gladys kina Caprice at Ashley.
Kasunod ng eksena, tila ikinatuwa pa ito ng dalawang housemates dahil natikman nila ang sampal ng isang batikang kontrabida.
Samantala, si Gladys ay naging co-star ni Caprice sa drama series na Cruz vs. Cruz.
Ano kaya ang susunod na sorpresa at twists sa teleserye ng totoong buhay?
Abangan ang mga susunod na kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.