GMA Logo caprice cayetano andd heath jornales
Courtesy: Pinoy Big Brother | GMA
What's Hot

Caprice Cayetano at Heath Jornales, kinakiligan ng 'PBB 2.0' housemates

By EJ Chua
Published February 12, 2026 10:27 AM PHT
Updated February 12, 2026 10:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: February 12, 2026
3 barangay sa Iligan City na nasalanta ng Bagyong Basyang, hinatiran ng food packs ng GMA Kapuso Foundation
Iloilo City's P300M additional loan questioned

Article Inside Page


Showbiz News

caprice cayetano andd heath jornales


Nilayag ng 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0' housemates ang CapHeath sa kanilang actingan challenge.

Usap-usapan ngayon sa social media ang bagong moment nina Caprice Cayetano at Heath Jornales, na kilala rin bilang CapHeath at isa sa fan-favorite ships sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood sa ilang clips ang tila pang Korean drama series na actingan challenge sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Sina Caprice at Heath ang inatasan ng ibang housemates na maging bida sa isang eksena, kung saan gumanap ang una na isang simpleng babae na masipag mag-aral habang ang huli naman ay isang richkid na mala-bad boy ang datingan.

Labis na kinakiligan ang linyahan at pagtititigan ng dalawa lalo na nung binanggit ni Princess Aliyah na kunwari ay tinitingnan ni Caprice ang type na type niya.

Nang marinig ito ni Heath, tila nawala siya sa bigla sa kanyang karakter.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Kasunod nito, napahiyaw na ang housemates gaya nila Lella Lord, Ashley Sarmiento, at Krystal Mejes.

Hindi rin napigilan ni Miguel Vergara ang kanyang emosyon at talaga namang kinilig din siya sa eksena nina Caprice at Heath.

Samantala, matatandaang pinusuan din ng viewers at housemates ang mala 'meet the parent' scene ni Heath sa loob ng Bahay Ni Kuya, kung saan nakaharap at nakausap niya ang daddy ni Caprice na si Chef Jorge Mendez.

Related gallery: Meet the fan-favorite ships in Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0

Abangan pa ang susunod na mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito: www.gmanetwork.com/pbblivestream