
Halo-halong emosyon ang naramdaman ng viewers kagabi sa reality television show na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Kasabay ng eviction night, kinilig din ang netizens nang koronahan ang “KISLAP” King and Queen ng New Year's Ball ng housemates.
Ang nagwagi ay walang iba kundi ang fan-favorite ship na CapEath, sina Caprice Cayetano at Heath Jornales.
Sa pagdiriwang ng kanilang panalo, buong saya nilang sinuot ang kanilang mga korona at sash. Mas lalo pang kinilig ang housemates at viewers nang magsayaw ang dalawa sa harap ng lahat.
Hindi rin napigilan ng housemates na ipahayag ang kanilang tuwa sa chemistry ng dalawa.
"They're both genuine people, Kuya. Sobrang pure po ng energy nila," sabi ni Krystal Mejes.
"Kahit wala silang ginagawa Kuya, nakakakilig. Basta magkatabi po sila Kuya grabe po 'yung spark," dagdag ni Lella Ford.
"Knowing Heath po Kuya, may pagka torpe din po siya Kuya. Pero naglakas-loob po siya akbayan si Caprice," ani Carmelle Collado.
Nanalo sina Caprice at Heath matapos makakuha ng limang boto mula sa mga housemate pairs. Samantala, sina Fred Moser at Princess Aliyah naman ang binoto ng CapEath duo.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang moments sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.
Kilalanin ang fan-favorite ships sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0