
Nagpaunlak ng panayam ang latest evictee sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na si Anton Vinzon.
Related gallery: Meet the housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'
Sa interview sa kanya ni Nelson Canlas para sa GMA Integrated News, sinagot ni Anton kung sino sa tingin niya ang deserving na maging big winner sa edisyong ito.
Sagot niya, “Lahat po talaga pero si Caprice [Cayetano] po talaga.”
“Si Caprice po talaga 'yung big winner po talaga namin kasi si Caprice po talaga 'yung parang mabait po talaga siya sa bahay and gumagawa po talaga siya ng chores,” paliwanag at pahabol niya.
Courtesy: 24 Oras, GMA Integrated News
Bukod kay Anton, hanga rin kay Caprice ang ex-housemates na sina Lee Victor at Inigo Jose.
Samantala, kabilang si Anton sa posibleng maging wildcard housemate.
Muli nga ba siyang makakabalik sa Bahay Ni Kuya?
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito.