
Muling magkakasama sa isang acting project sina Caprice Cayetano at Clifford Gaw.
Sa recent big announcement ng GMA, ipinakilala ang star-studded cast ng upcoming series na A Million Dreams, kung saan kabilang sina Caprice at Clifford.
Mapapanood sila rito bilang co-stars, at kasama nila sa serye sina Camille Prats at Angel Guardian.
Parte rin ng cast sina Gabby Eigenmann, Diana Zubiri, Juancho Triviño, Vaness del Moral, Lauren King, at iba pang aktor.
Ang kuwento ng A Million Dreams ay magsisilbing paalala sa kahalagahan ng pamilya, pangarap, at pagkakaroon ng pag-asa.
Ano kaya ang roles nina Caprice at Clifford sa upcoming series?
Kilala at tinatawag ng marami ang dalawang Sparkle stars bilang CapFord, isa sa mga ship ng viewers sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Matatandaang una nang naging co-actors ang dalawa sa recently concluded GMA series na You're My Favorite Song.
Nakasama nila rito ang kanilang former housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na sina Heath Jornales, Marco Masa, Princess Aliyah, at iba pa.
Samantala, huwag palampasin ang A Million Dreams, malapit na sa GMA.
Related gallery: The winning highlights of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 The Big Night