GMA Logo Caprice Cayetano
What's Hot

Caprice Cayetano dedicates PBB win to family and supporters

By Kristine Kang
Published March 2, 2026 4:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Caprice Cayetano has no ill-feelings towards Lella Ford over Big Tapatan answer
Lingling Kwong, Orm Kornnaphat jet off to France for Paris Fashion Week
One Western Visayas: March 2, 2026 | Livestream

Article Inside Page


Showbiz News

Caprice Cayetano


Caprice Cayetano sa kanyang supporters: 'Para sa inyo po ito. Mahal na mahal ko po kayo.'

Tila hindi pa rin makapaniwala ang Kapuso star na si Caprice Cayetano matapos ang kanyang meaningful journey sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Noong Sabado (February 28), masayang inanunsiyo ang pagkapanalo ni Caprice bilang bagong Kapuso Big Winner. Kitang-kita ang kanyang labis na tuwa at pasasalamat nang matanggap niya ang kanyang award kasama ang Kapamilya Big Winner na si Lella Ford.

Sa isang exclusive interview kasama ang GMANetwork.com, inamin ng Sparkle star na tila surreal pa rin ang lahat para sa kanya.

"Grabe hindi po ako makapaniwala, Unti-unti pa lang po siyang nagsi-sink in sa akin. Sobrang nagpapasalamat po talaga ako sa mga sumusuporta at nagmamahal sa amin lahat," pahayag niya.

Sa pagbabalik-tanaw sa dazzling Big Night, ibinahagi ni Caprice na ramdam niya ang walang sawang suporta ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at fans.

Kaya para sa aktres, ang kanyang panalo ay hindi lamang personal na tagumpay. Ito ay para sa lahat ng tiwala at pagmamahal ng mga taong naniwala sa kanya sa loob ng Bahay ni Kuya.

"Dine-dedicate ko po 'yung pagkapanalo ko po as Big Winner sa lahat po ng sumusuporta at nagmamahal po sa akin. 'Yung family ko po, lahat po ng supporters ko, ginagawa ko po talaga 'to at binibigay ko po talaga 'yung best ko para sa family at sa supporters ko. Para sa inyo po ito. Mahal na mahal ko po kayo," aniya.

Bukod sa panayam, nagbahagi rin si Caprice ng kanyang pasasalamat online.

"Hi outside world! This is Caprice po! Una sa lahat, hindi ko po inakala ang mga nakita ko kagabi. Hindi ko rin po ine-expect ang support na natatanggap ko ngayon, kaya sobra po akong nagpapasalamat. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat!" sabi niya sa isang Instagram story.

"Nagpapasalamat po ako at ang buong pamilya ko. Thank you so much po sa love and support! Sobrang grateful po kami sa inyong lahat!"

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Caprice ang team ng programa, ang kanyang mga kapwa housemates, pati ang kanyang GMA at Sparkle family sa patuloy na suporta at pagbibigay ng oportunidad.

Balikan ang winning highlights ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 Big Night, dito:

Sa pagtatapos ng kanyang PBB journey, naghahanda naman si Caprice sa kanyang upcoming projects ngayong taon.

Isa na rito ang kanyang upcoming series na Pangarap na Ginto, kung saan makakasama niya ang fellow Kapuso housemate at 2nd Big Placer na si Heath Jornales.


Kilalanin pa ang Kapuso Big Winner na si Caprice Cayetano sa gallery na ito: