
Hindi napigilan na maging emosyonal ng Sparkle teen star na si Caprice Cayetano sa kanyang last taping day sa hit family drama series na Cruz vs. Cruz.
Sa naturang serye, ginampanan ni Caprice ang role bilang Jessica.
Sa video na in-upload sa GMA Drama Facebook page, labis ang pasasalamat ng former child star sa kanyang Cruz vs. Cruz family dahil sa kanilang magandang pasgsasama.
Pinuri naman ni direktor Linnet Zurbano ang teen star dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang Jessica.
“We're so sad to let you go, but we're so happy also to see you soaring high,” aniya.
Matapos ito, nakatanggap si Caprice ng bouquet of flowers mula sa production team ng serye.
Bukod dito, ipinasilip din ang exclusive behind-the-scenes ng last taping day ni Caprice. Ayon sa aktres, mami-miss niya ang kanyang co-stars sa serye at ang kanilang food trip sa set.
Subaybayan ang Cruz vs. Cruz tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, TINGNAN ANG STUNNING LOOKS NI CAPRICE CAYETANO SA KANYANG KAPUSO PROFILES SHOOT.