GMA Logo caprice cayetano and heart evangelista
Source: Fast Talk with Boy Abunda, iamhearte IG, capcaprice IG
What's Hot

Caprice Cayetano, gusto ni Heart Evangelista na gumanap bilang young version niya

By EJ Chua
Published April 10, 2026 6:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Baguio City declares state of calamity due to fuel crisis
Letran Lady Knights are the NCAA S101 women's volleyball champs
Mapaang nga tiyempo padayon nga mabatyagan; bagyo, wala pa sang epekto | One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

caprice cayetano and heart evangelista


Aprubado ni Heart Evangelista kung sakaling gumanap si Caprice Cayetano bilang younger self niya sa screen.

Hindi maikakaila na may special space sa puso ng Global Fashion Icon at Kapuso actress na si Heart Evangelista ang Sparkle star na si Caprice Cayetano.

Sa guest appearance ni Heart sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, April 9, mabilis siyang nagbanggit ng pangalan ng celebrity sa tanong ni Tito Boy kung sino ang gusto niyang gumanap bilang young Heart kung sakaling i-remake ang G-mik.

Ayon sa kanya, ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 Big Winner na si Caprice Cayetano ang nilu-look forward niyang gumanap sa palabas bilang young Heart.

Related gallery: All the stunning looks of Caprice Cayetano

Si Heart ay nakilala noon bilang si Missy sa youth-oriented series na G-mik, na ipinalabas mula 1999 hanggang 2002.

Dito ay nakasama niya sina Camille Prats, Angelica Panganiban, Carlo Aquino, at ang naka-love team ni Heart noon na si John Prats.

Samantala, marami ang nakapansin at patuloy na pumupuri sa pagkakahawig nina Heart Evangelista at Caprice Cayetano.

Sa nakaraang interview ni Caprice, sinabi niyang kinilig siya sa mensahe ng kanyang Ate Heart tungkol sa sinabi ng huli na kung may kailangan siya ay tawagan lang siya ng young actress at willing siyang sumuporta rito.

Nagkasama noon bilang co-stars sina Heart Evangelista at Caprice Cayetano sa GMA's fantasy series na Mulawin vs Ravena.