GMA Logo Heath, Caprice, Marco, Direk Jp, Direk Tonet
Source: angwalangkwentangpodcast and imrentals (IG)
What's on TV

Caprice Cayetano, Heath Jornales, at Marco Masa, nakisaya sa 'Ang Walang Kwentang Podcast' nina Direk JP at Direk Tonet

By Mark Joseph F. Carreon
Published August 3, 2026 4:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sara Duterte's liquidation of 125-M confi fund marred by irregularities —COA auditor
Dingdong returns, Gabbi joins as journey host
Meysulao Elementary School, 'di na nawalan ng baha! | Reporter's Notebook

Article Inside Page


Showbiz News

Heath, Caprice, Marco, Direk Jp, Direk Tonet


Sumama ang main stars ng 'You're My Favorite Song' sa isang masayang kuwentuhan sa podcast na Ang Walang Kwentang Podcast.

Nakisaya ang tatlo sa main stars ng 'You're My Favorite Song' na sina Caprice Cayetano, Heath Jornales, at Marco Masa sa isang puno ng enerhiya at masayang kuwentuhan sa sikat na Ang Walang Kwentang Podcast, na hosted ng direktor ng kanilang serye na si JP Habac at ng kilalang direktor na si Antoinette Jadaone.

Bago ang pagtatapos ng kanilang serye noong Biyernes, July 31, inilabas ang episode na ito sa mismong YouTube channel ng podcast. Dito ay pinag-usapan nila ang ilan sa kanilang unforgettable moments sa 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0' at sa hit romance-drama series na 'You're My Favorite Song.'

Para sa direktor ng serye na si Direk JP, isa sa hindi niya malilimutan ay ang matinding eksena sa pagitan nina Caprice at Kazel Kinouchi, kung saan nginudngod ng karakter ni Kazel ang batang aktrera sa isang cake.

“Magical moment. First time ko mag-direct ng ngudngudan sa cake. May prinepare kami na double for that, pero game na game si Caprice na gawin 'yung scene. For me, 'yun 'yung highlight ng directing ko for a teleserye,” pagbabahagi ni Direk JP.

Ibinahagi naman ni Marco ang isang pagkakataon sa taping na hindi niya malilimutan kung saan nagkaroon siya ng emotional block habang ginagawa ang isang heavy scene.

“Ako may one time na may heavy scene, nahirapan akong humugot talaga kasi nagkaroon ako ng parang na-block 'yung emotions ko. Pinaghintay ko sila, hiyang-hiya talaga ako no'n, hiyang-hiya talaga ako kay Direk. Buti noong next taping day, doon na namin kinuha 'yung emotion na hinahanap sa previous taping day. Thankful talaga ako kay Direk noong time na 'yon,” ani Marco.

Isang nakatutuwang eksena naman kasama ang kaibigang si Geo Mhanna ang ibinahagi ni Heath. Aniya, naging napakanatural nito at puno lang sila ng kasiyahan habang ginagawa ang eksena kahit pa pagod na sila mula sa mahabang araw ng taping.

“Ako po hindi ko alam if magical, pero it's really memorable for me, and it was like one of the most fun scenes na nagawa ko, it was when I revealed to Jacob (Geo Mhanna) na I was going to Brighton Bay,” sabi ni Heath.

“Noong time na 'yon, it was the last scene of the day. Tapos kami ni Geo, we were tired and very sleepy, tapos lahat na lang nakakatawa—nasa gano'ng point na po kami. Then we were just laughing throughout the entire scene. Parang 'yung scene po kaunti lang 'yung lines, so the rest of the lines, parang naging adlib at natural na po. Kung ano po 'yung nasa scene na 'yon, it was me and Geo having fun that time,” kuwento pa niya.

A post shared by Añg Walañg Kweñtañg Podcast (@angwalangkwentangpodcast)

Ibinahagi rin ni Direk JP sa podcast kung paano nga ba niya tinanggap ang pagiging direktor ng serye. Aniya, nasasabik siyang tanggapin ang proyektong ito dahil sa pagkakataong makatrabaho ang mga batang artista, kung saan marami raw siyang matututuhan.

“Kasi noong pinitch ito sa akin last year, ano pa siya, pelikula. Tapos naging limited series, parang ten episodes, tapos noong meeting na namin nitong year, full blown serye na siya. Noong una four weeks na airing, tapos noong bago kami mag day one [ng shooting], na-extend na kami; naging six weeks na,” ani JP.

“Kaya ko tinanggap 'yung project kasi na-excite ako doon sa thought na mga bata ang artista, na parang ang dami mong p'wedeng matutuhan sa kanila,” dagdag pa niya.

Samantala, ibinahagi naman ng tatlo ang naging karanasan nila kay Direk JP bilang direktor ng kanilang serye.

“Napaka-chill lang po niya sa set,” paglalarawan ni Heath.

“Totoo naman po 'yung sinabi ni Heath, talagang super chill lang ni Direk sa set. Kasi po kaming cast, s'yempre kakabalik lang din po namin sa pag-acting, parang magaan din po sa pakiramdam na meron po kaming freedom sa choices nung characters namin kapag kay Direk po,” ani Marco.

“Sobrang chill din po. Nakakatuwa din po si Direk kasi may mga adjustments din po talaga siyang ina-add na mas mukhang Angel, mas mukhang Calix 'yung mga sasabihin po naming mga Gen Z's. [P'wede po namin baguhin 'yung script] kung saan po kami mas comfortable,” pagbabahagi naman ni Caprice.

Nagtapos ang seryeng 'You're My Favorite Song' noong Biyernes, July 31, kung saan marami ang sumubaybay at tumutok sa nakakakilig na pagtatapos ng kuwento ng karakter ni Angel, na ginagampanan ni Caprice Cayetano.

Noong Sabado, August 1, naganap din ang pinakahihintay at dinumog na grand fan meet ng serye, kung saan nakasama nina Caprice, Heath, Clifford, at Marco ang kanilang mga masusugid na tagahanga at tagasuporta.

RELATED CONTENT: Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, Caprice Cayetano bring kilig to 'You're My Favorite Song' fan meet