
Ramdam ang kilig ni Caprice Cayetano sa sagot niya sa mensahe ng Kapuso Global Fashion icon na si Heart Evangelista para sa kanya.
Sa showbiz report ni Aubrey Carampel na ipinalabas sa 24 Oras, inilahad ang sweet message ni Heart para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0 Kapuso Big Winner na si Caprice Cayetano.
Sabi ni Heart sa young Sparkle star, “Caprice call me if you need any clothes or anything you need to wear, Ate Heart is here. Kahit anong gusto mo, kung kailangan mo ng gown, nandito ako.”
Labis na natuwa ang ex-housemate tungkol dito at ibinahagi niya na na-appreciate niya ang mensaheng ipinadala ng kanyang Ate Heart.
Pahayag niya, “Siyempre po sino pong hihindi, I would love to po. Grabe, willing po ako… Gusto ko pong mag-Thank you kay Ms. Heart at saka na-appreciate ko po 'yon.”
Unang nagkasama bilang co-stars sina Heart Evangelista at Caprice Cayetano sa GMA's fantasy series na Mulawin vs Ravena.
Courtesy: 24 Oras, GMA Integrated News
Kamakailan lang ay pinag-usapan ang reunion nina Heart at Caprice sa "Sparkle On: Stronger Together" event.
Samantala, mapapanood si Caprice sa upcoming series na Pangarap na Ginto, kung saan makakasama niya ang Kapuso Second Big Placer na si Heath Jornales.
Related gallery: Silipin ang stunning looks ng PBB housemate na si Caprice Cayetano