
Nag-umpisa na ang mga anunsiyo para sa nalalapit na Big Night ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0.
Walo sa mga natirang housemates ang makakapasok sa Big Night, apat na Kapamilya at apat na Kapuso housemates ang bubuo ng Ultimate 8.
Sa nakaraang episode ng PBB nitong Linggo, nagbotohan ang mga housemates kung sino sa kanila ang pinaka-karapatdapat na magkaroon ng big ticket sa Big Jump Challenge.
Nagtapatan sina Joaquin Arce at Lella Ford para sa mga Kapamilya, at para naman sa mga Kapuso ay naglaban sina Caprice at Marco Masa.
Ayon kay Lella, "Hanggang sa huli, hindi ito na po 'yun 'eh, pa-dulo na po kami. Patapos na po 'yung PBB. 'Yung goal ko po, Kuya, 'yung pinag-pi-pray ko po ng matagal kay God."
Para kay Joaquin, hangad niya na makapasok sa Ultimate 8 para sa mga nagtitiwala sa kanya. 'Yung sarili ko po, 'yung mga dreams and goals ko po at mga taong sumusuporta sa akin, most importantly, I don't want to let them down. I want them to be proud of me."
Matapos maanunsiyo na siya ang nagwagi sa Big Jump Challenge na pasok sa Ultimate 8, lubos ang pasasalamat ni Lella. Aniya, "Naging worth it po talaga ang lahat ng mga pinaghirapan ko po dito sa loob ng bahay niyo, Kuya."
Nagpakita rin ng suporta si Joaquin sa ka-housemate niyang nauna nang makapasoik sa Ultimate 8. "Medyo nalungkot po ako na natalo ako but on top of that, I felt so happy for Lella na nanalo po siya at bahagi na po siya ng Ultimate 8."
Saad ni Lella, "Gusto ko lang po na makapag-insipre ng mga kabataan na katulad ko at mga kabataan na nangangarap."
Sa pagitan naman nina Marco at Caprice, parehas din determinado ang dalawang housemates na makapasok sa Ultimate 8.
Ani ni Marco, "Siyempre po Kuya gusto ko na po mapabilang sa Ultimate 8, dahil nabigyan ako ng second chance at 'yung second chance po na 'yun umabot ako sa puntong ito."
Para naman kay Caprice, "Kahit ano pong mangyari magtitiwala lang po ako sa sarili ko at ibibigay ko lang po 'yung best ko."
Nang ma-anunsiyo na si Caprice ang nagwagi sa Big Jump Challenge na siyang big ticket para makapasok sa Ultimate 8, naging taos-puso ang pasasalamat ni Caprice. "Ako po, masaya lang po talaga ako lalo na po, nakikita ko rin po 'yung mga housemates masaya rin po sila para sa akin."
"I'm really happy po talaga, I'm really happy for Caprice kasi I know na deserving po siya ng spot na 'yun," saad naman ni Marco para kay Caprice.
Patuloy na panoorin ang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 sa GMA Network weeknights tuwing 9:40 p.m. at Sabado at Linggo ng 6:15 p.m