GMA Logo Caprice Cayetano, Lella Ford
Courtesy: Pinoy Big Brother, GMA / carmellaford_ IG
What's Hot

Caprice Cayetano, Lella Ford secure Big Tickets for the Big Jump

By EJ Chua
Published February 4, 2026 4:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Camiguin Airport runway closed due to creek overflow
Lee Victor's 'Nagkakahiyaan' is the ultimate anthem for unspoken romance
Siquijor, Bohol suspend work in government offices

Article Inside Page


Showbiz News

Caprice Cayetano, Lella Ford


Sina Caprice Cayetano at Lella Ford ang unang housemates para sa Big Jump sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.'

Sina Caprice Cayetano at Lella Ford ang nabigyan ng unang Big Tickets bilang housemates na deserving umano na makapag-compete para sa Ultimate 8 spot sa pamamagitan ng Big Jump challenge.

Sa recent episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, inilahad ang scores ng bawat housemate, kung saan lumabas na sina Caprice at Lella ang may pinakamaraming boto.

Related gallery: Meet the housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0

Sa Kapuso Big Ticket votes, apat na boto ang nakuha ni Caprice Cayetano, habang sina Heath Jornales at Ashley Sarmiento ay nakakuha ng tig dalawang boto.

Sina Marco Masa at Princess Aliyah naman ay nagkaroon ng tig isang boto.

Sa Kapamilya Big Ticket votes naman, nabigyan ng limang boto si Lella Ford, at ito ang naging pinakamataas sa naganap na botohan.

Tatlong boto naman ang nakuha ni Carmelle, tig isang boto naman ang natanggap nina Miguel Vergara at Joaquin Arce, habang si Krystal Mejes naman ay walang natanggap na boto.

Samantala, sino kaya sa Kabataang Pinoy housemates ang susunod na mapapabilang sa mga magkakaroon ng pagkakataon na makalaban para sa Ultimate 8 spot?

Huwag palampasin ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.