
Mas nakilala ng fans ang Kapuso Big winner na si Caprice Cayetano, lalo na ang relasyon niya sa tatay na si Michelin chef na si Jorge Mendez, sa "Pic-Talk" exclusive interview ng Sparkle.
Dito, ikinuwento ng Cruz vs. Cruz actress kung gaano ka-sweet ang kaniyang daddy dahil hindi daw nito nakakalimutan na bigyan siya ng flowers tuwing Valentine's Day.
Lahad ni Caprice sa isang larawang ipinakita sa kanya, “Yan po ay nung Valentines. Si Daddy po talaga, lagi po siya nagbibigay sa akin kahit maliit pa po ako ng flowers. So, 'yung mga flowers ko po, unang-una ko po natanggap 'yun kay Daddy every Valentines, hindi po mawawalan ng flowers from Daddy.”
Kaya raw ganun na lang respeto ni Caprice sa kaniyang Daddy Jorge dahil ipinapakita nito sa kaniya ang "standards" kung paano dapat itrato ng lalaki ang babae.
Aniya, "Si Daddy po talaga ini-spoil niya po talaga ako lalo na po 'pag Valentines, siya po talaga 'yung reason kung bakit mataas po ang standards ko. Kaya, proud po ako at masasabi ko po talaga na gagawin ko po standards 'yung dad ko.”
Magsasama sina Caprice at fellow Pinoy Big Brother housemate niya na si Heath Jornales sa upcoming soap na Pangarap na Ginto.
Related gallery: Caprice Cayetano's Dad Steals the Spotlight: Meet Chef Jorge Mendez