
Isa ang 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0' Kapuso Big Winner na si Caprice Cayetano sa mga excited na sa muling pagbubukas ng Bahay Ni Kuya.
Sa isang video na mapapanood sa social media, inilahad ni Caprice ang tips niya para sa aspiring housemates.
Ayon sa kanya, mahalaga sa audition ang pagiging natural at pagpapakatotoo.
Payo ng Sparkle star, “If you dreamed of being a housemate this new season, one tip na mabibigay ko po during the audition is to be natural, genuine, and authentic. Please make sure to leave a lasting impression by simply being yourself.”
May tips din siyang ibinahagi tungkol sa quality ng video na ipapasa ng mga gustong mag-audition.
Sabi niya, “Kaya po sa mga aspiring housemates diyan, don't forget that you only have one minute to express yourself. Make sure na maganda po 'yung lighting and walang background noise.”
“Good luck aspiring housemates. Abangan ang pagbubukas ng Bahay Ni Kuya sa takdang panahon, pahabol pa ni Caprice.
Si Caprice ay bibida sa upcoming GMA series na 'A Million Dreams.'
Samantala, ang audition para sa new season ng collab ay open sa Filipinos worldwide na may edad na 18 to 35 years old.
Abangan pa ang next updates tungkol sa 'Pinoy Big Brother Collab 3.0' sa GMANetwork.com.
Related gallery: The winning highlights of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 The Big Night