
Isang fan mula sa Leyte, Leyte ang nabigyan ng pagkakataon na makita ang kanyang celebrity idol- ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso Big Winner na si Caprice Cayetano.
Sa isang segment ng Kapuso Mo, Jessica Soho o KMJS, inilahad ang kakaibang istorya ng dalagang si Cindy.
Dito ay unang ibinahagi ang tungkol sa kalagayan ng kanyang pangangatawan, ang mahaba niyang mga biyas at pati na rin ang malala at kakaibang porma ng kanyang spine.
Dahil sa kanyang kondisyon, naapektuhan ang kanyang pag-aaral at ang pagsasayaw na ang nakahiligan niyang gawin.
Nagsisilbing inspirasyon ngayon ang Sparkle star na si Caprice Cayetano para kay Cindy upang maibsan ang lungkot at mapagaan ang mga iniisip ng huli.
Sa tulong ng KMJS Team, nabigyan ng chance si Cindy na personal na makita ang idol niya na si Caprice sa GMA Network Center.
Pagbabahagi ng Lola ni Cindy kay Caprice, “Nung nanalo ka talaga, sumigaw at tumalon siya kahit masama pakiramdam.”
Kasunod nito, bumuhos na ang emosyon at kalaunan ay nakapag-bonding ang dalawa.
Sabay silang nag-TikTok at nagbigayan ng regalo nila para sa isa't isa.
Nag-iwan pa ng sweet reminder si Caprice para kay Cindy, “Always look at the bright side lang, 'wag susuko.”
Courtesy: KMJS, GMA Public Affairs
Related gallery: Silipin ang stunning looks ng PBB housemate na si Caprice Cayetano
Matatandaang si Caprice Cayetano ay nakilala bilang Demure Daughter ng Quezon City sa recently concluded collaboration ng GMA at ABS-CBN na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Sa naganap na Big Night para sa latest edition, si Caprice ang itinanghal na Kapuso Big Winner.