GMA Logo Caprice Cayetano and YUMI
Source: GMA Integrated News, 24 Oras
What's Hot

Caprice Cayetano, nakasama ang YUMI ng 'Born To Shine' sa isang cute TikTok video

By EJ Chua
Published July 18, 2026 3:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Road closures, traffic rerouting in Manila for UPI rally on July 19, 2026
Rescued Philippine Eagle suffers from 'sudden medical crisis' and passes away
DepEd probes mauling inside classroom in Bacolod school

Article Inside Page


Showbiz News

Caprice Cayetano and YUMI


Panoorin dito ang cute TikTok collab ni Caprice Cayetano kasama ang YUMI ng 'Born To Shine.'

Kinagiliwan online ang bagong TikTok video ng YUMI na napapanood sa GMA series na Born To Shine.

May special guest kasi ang grupo sa kanilang video at ito ay ang You're My Favorite Song lead actress na si Caprice Cayetano.

Game na game na nakisayaw si Caprice sa five-member P-pop girl group na talagang ikinagulat ng fans ng grupo at ng una.

Ang YUMI ay binubuo ng members na sina Jeni (Zephanie), Megan (Olive May), Yuna (Mitzi Josh), Nancy (Gaea Mischa), at Alfea (Naya Ambi).

Hirit ng maraming netizens at viewers, tila may bagong member na ang YUMI.

May mga nagtanong din kung kailan ang crossover ng You're My Favorite Song sa Born To Shine.

@zephanieofficial Hi Yumates and Faves! 🤩❤️ Kasama namin si Angel of #YMFS #BTS #YUMI #fyp ♬ original sound - GMA Network

Panoorin ang showbiz report sa 24 Oras tungkol dito sa video sa ibaba:

Samantala, si Caprice Cayetano ang itinanghal na Kapuso Big Winner sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0.

Related gallery: Silipin ang stunning looks ng PBB housemate na si Caprice Cayetano