GMA Logo caprice cayetano
Courtesy: Pinoy Big Brother, GMA
What's Hot

Caprice Cayetano, perfect score sa 'Ultimate Tapatan'

By EJ Chua
Published February 24, 2026 11:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Anti-political turncoatism bill filed in House
Derrick, Ashley, Elle heat up afternoons in 'Apoy sa Dugo'
K-Pop stars draw attention as they head to Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

caprice cayetano


Pabor ba si Caprice Cayetano sa pagsi-ship sa kanila ni Heath Jornales ng kapwa nila 'PBB' housemates? Alamin ang sagot dito:

Sumalang na sa Ultimate Tapatan sa Bahay Ni Kuya ang housemate na si Caprice Cayetano.

Ipinasilip sa latest episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ang paghaharap ng ex-housemates at ni Caprice, isa sa mga kabilang sa Ultimate 8.

Dito ay diretsong sinagot ng Kapuso housemate ang mga katanungan ng ilang ex-housemates at pati na rin ng netizens at fans ng teleserye ng totoong buhay.

Marami ang humanga sa kanya sa matapang niyang pagsagot sa kung sino ang ex-housemate na gusto niyang ipalit sa isa sa mga nasa Ultimate 8 ngayon na sa tingin niya ay hindi deserving sa spot.

Seryosong binanggit ni Caprice ang mga pangalan nina Carmelle Collado at Joaquin Arce bilang sagot sa naturang tanong na nanggaling sa fellow Sparkle star niya na si Lee Victor.

Kinakiligan naman ang sagot niya kay Rave Victoria na tanong ng huli tungkol sa pang-aasar at pagsi-ship nila kay Caprice at kapwa housemate na si Heath Jornales.

Ayon kay Caprice, “Kapag sa pag-ship n'yo naman, siyempre naaasar din talaga ako minsan at saka natatawa talaga ako. Sasabihin ko naman sa inyo kung… like hindi na komportable.”

Related gallery: Get to know Kapuso actress Caprice Cayetano

Abangan pa ang susunod na twists at surprises sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0. Mapapanood ito ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link dito: www.gmanetwork.com/pbblivestream.