GMA Logo Caprice Cayetano, Heath Jornales
Courtesy: Pinoy Big Brother, GMA
What's Hot

Caprice Cayetano, pinili si Heath Jornales sa special task sa Bahay Ni Kuya

By EJ Chua
Published January 30, 2026 3:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend: (Part 4) January 31, 2026
People are lining up for this balbacua in ParaƱaque
4 killed, 1 hurt in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Caprice Cayetano, Heath Jornales


Abangan ang cute at nakakakilig na moment ng CapHeath ngayong Biyernes ng gabi sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.'

Excited na ang fans at viewers sa nakakakilig na mga eksena ng CapHeath, ang tambalan nina Caprice Cayetano at Heath Jornales sa Bahay Ni Kuya.

Related gallery: Meet the fan-favorite ships in Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0

Sa ilang clips na inilabas ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, may pahapyaw tungkol sa special task na natanggap ng housemates.

Ipinasilip dito ang pagtawag ni Caprice kay Heath sa garden area na labis na kinakiligan ng housemates.

Kasunod nito, binanggit niya na ang huli ang napili niyang paglutuan para sa naturang special task mula kay Kuya.

@gmanetwork ABANGAN BUKAS ANG S̶P̶E̶C̶I̶A̶L̶ ̶D̶A̶T̶E̶, ESTE SPECIAL TASK NINA CAPRICE AT HEATH! 😍 #CapriceCayetano #HeathJornales Watch #GMAPBBCollab ♬ original sound - GMA Network

Ano-ano kaya ang mangyayari ngayong Biyernes ng gabi?

Samantala, bago ito, pinusuan online ang tila 'meet the parent' scene ni Heath sa loob ng Bahay Ni Kuya, kung saan nakaharap at nakausap niya ang daddy ni Caprice na si Chef Jorge Mendez.

Huwag palampasin ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.