
Kasalukuyang napapanood ang Kapuso teen star na si Caprice Cayetano sa GMA Afternoon Prime series na Cruz vs. Cruz.
Sa online exclusive video na in-upload sa GMA Network, ibinahagi ni Caprice na hindi siya makapaniwala na nakuha niya ang role bilang Jessica sa Cruz vs. Cruz.
“Nagulat na lang po ako na may schedule na po ako ng mga taping. So I'm very, very happy,” pagbabahagi niya.
Ikinuwento rin ng dating child star ang kanyang naging paghahanda para sa kanyang karakter.
Aniya, “Binasa ko po agad 'yung script talaga kasi 'yung first script wala po ako doon pero binasa ko talaga siya para 'yung background ng family ko and 'yung kabilang family malalaman ko po.”
Bukod dito, nagkuwento rin si Caprice tungkol sa kanyang karanasan sa taping kasama ang kanyang on-screen mom na si Gladys.
“Second day ko pa lang po 'yun ng shoot 'tapos, ang dami ko na pong mga linya and mga eksena. 'Tapos, nakita ko do'n sa script, may sampalan. Sinearch ko, Ms. Gladys, 'yung mga sinampal na po ni Ms. Gladys. 'Tapos, nakita ko na parang proud sila na nasampal sila ni Ms. Gladys.
“So, hindi na po ako nagulat doon dahil alam ko naman po talagang kapag nasampal ka ni Ms. Gladys, maging proud ka talaga kasi Ms. Gladys na talaga 'yun. e,” kuwento niya.
Subaybayan ang Cruz vs. Cruz tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
MAS KILALANIN PA SI CAPRICE CAYETANO SA GALLERY NA ITO: