GMA Logo Caprice Cayetano
Source: GMA Kapuso Profiles
What's Hot

Caprice Cayetano tumanggi marinig ang opinyon ng outside world: 'Mas kilala ko sila'

By Aedrianne Acar
Published February 4, 2026 10:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH to boost presence in Middle East halal market
Signal No. 1 up in parts of Surigao provinces as #BasyangPH maintains strength
RUNRIO exec Andrew Neri believes marathons can help boost Philippine tourism

Article Inside Page


Showbiz News

Caprice Cayetano


Sparkle actress Caprice Cayetano, nanindigan sa rason kung bakit ayaw niya marinig ang opinyon ng outside world tungkol sa housemates.

Bago pumili ang mga natitirang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemates ng dalawang Kapuso at Kapamilya na kukumpleto sa "Big Jump Challenge" at mabibigyan ng chance mapabilang sa Ultimate 8, binigyan muna ng hamon ni Kuya ang mga ito.

Inanunsyo ni Big Brother na puwede marinig ng mga housemate ang opinyon ng mga tao sa outside world para makatulong sa kanilang desisyon kung sino ang tingin nila ang deserving na makasama sa Big Jump Challenge.

Sa pagsalang ni Caprice Cayetano sa confession room, agad na sinabi ng Sparkle actress na ayaw niya marinig ang opinyon ng mga tao sa labas ng Bahay ni Kuya.

Aniya, “Kuya, hindi ko po tinatanggap 'yung alok n'yo Kuya. Hindi ko po gusto marinig ang opinyon po ng taong bayan sa kahit sino po sa amin. Dito lang po ako.”

“Anong dahilan? Tanong ni Big Brother.”

“Ako po Kuya, gusto ko po makapili po ng isang Kapuso at isang Kapamilya na karapatdapat po lumaban para sa Ultimate 8 po na hindi po naririnig ang opinyon ng iba, Kuya. Pati na rin po ang opinyon sa akin dahil mas importante po 'yung pakikisama ko sa kanila dahil alam ko po mas kilala ko po sila dahil nakasama ko po sila sa isang bahay, Kuya.”

Dagdag ni Caprice, “At nakita ko rin po ano po talaga 'yung ugali nila Kuya, kaysa sa nakikita ng iba at napapanood lang Kuya.”

Sumunod na tanong ni Kuya , “Natatakot ka ba na malaman kung anong tingin sa'yo ng taong bayan?"

Tugon ni Cap, “Ako po hindi po ako natatakot dahil alam ko naman po kung sino talaga ako, Kuya. At kung ano po 'yung intensyon na mabubuti po Kuya.”

“Hindi ba mas lalago ang isang tao kapag nakakarinig siya ng opinyon ng iba?” Usisa ni Big Brother sa Kapuso housemate.

Paliwanag uli ni Caprice, “Yung paglago na gusto ko po na mangyari ay through experience po Kuya, hindi po 'yung paglago na manggagaling po sa ibang tao o opinyon po ng ibang tao. Yung sarili ko pong mistakes ko po, Kuya.”

Sa episode kagabi (February 3) ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, ang dalawang nabigyan agad ng ticket para sa "Big Jump Challenge" ay sina Caprice at Star Magic talent na si Lella Ford.

RELATED CONTENT: Caprice Cayetano's stunning 'Kapuso Profiles' portraits that will leave you mesmerized