
Ang PBB Bistro ang bagong task ng housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Related gallery: Meet the housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0
Kaugnay nito, may bago ring sorpresa si Big Brother para sa mga naninirahan ngayon sa kanyang bahay.
Sa teaser na inilabas ng programa, ipinasilip ang pagdating ni Chef Jorge Mendez, ang magiging katuwang ng housemates sa mga gagawin nila para sa PBB Bistro.
Labis itong ikinagulat ng lahat lalo na ng Kapuso housemate na si Caprice Cayetano, na anak ni Chef Jorge.
Ayon kay Kuya, mismong ang daddy ni Caprice ang tila magiging consultant at maga-assist din sa kanila sa mga mangyayari sa PBB Bistro Opening at iba pang may kaugnayan dito.
@gmanetwork #GMAPBBCollab #Teaser: THE PBB BISTRO OPENING 🔜 May Papa Chef pa na tutulong sa housemates para sa kanilang Weekly Task! 👀🧑🍳 Tutukan ang #PBBCollab20PapaChef mamayang gabi! 🏠✨ Watch #GMAPBBCollab ♬ original sound - GMA Network
Magtagumpay kaya ang Kapuso at Kapamilya housemates sa kanilang bagong weekly task?
Huwag palampasin ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.