GMA Logo Cara X Jagger
What's on TV

'Cara X Jagger' starring Ruru Madrid and Jasmine Curtis-Smith, tampok sa GTV ngayong weekend

By Marah Ruiz
Published August 12, 2022 8:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Suansing urges Senate to resume bicam on 2026 budget as soon as possible
PBBM vows completion of San Juanico Bridge rehab by 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Cara X Jagger


Kabilang ang 'Cara x Jagger' starring Ruru Madrid and Jasmine Curtis-Smith sa mga pelikulang mapapanood sa GTV ngayong weekend.

Love is in the air dahil sa romantic films na inihanda ng GTV ngayong weekend.

Isang unforgettable love story ang matutunghayan sa Cara X Jagger.

Tampok dito si Jasmine Curtis-Smith bilang Cara, isang babaeng may hyperthymesia kaya near perfect ang kanyang memory.

Si Ruru Madrid naman ay ang dati niyang nobyong si Jagger, isang binatang nagkaroon ng amnesia matapos ang kanyang aksidente.

Makakayanan ba ni Cara na balikan lahat ng mga mapapait na nakaraan matapos makiusap ang lolo ni Jagger na tulungan ang binata na maibalik ang kanyang mga alaala?

Abangan 'yan sa Cara X Jagger, August 14, 12:00 p.m. sa Sine Date Weekends.

Huwag din palampasin ang romantic horror thriller na Halik sa Hangin starring Gerald Anderson, Julia Montes at JC de Vera.

Kuwento ito ni Mia, karakter ni Julia, na magre-relocate matapos mag-asawa muli ang kanyang biyudang nanay.

Mahihirapang mag-adjust si Mia sa bago niyang environment pero magkakaroon naman siya ng mga kaibigan tulad ni Alvin, played by JC. Pero ang misteryosing lalaki na si Gio, role ni Gerald, ang makakapukaw ng pansin ni Mia at bibihag ng kanyang puso.

Abangan ang kakaibang love story nila sa Halik sa Hangin, August 13, 9:30 p.m. sa G! Flicks.

Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.