What's on TV

Carding at Monique, muling nagkita!

By Jansen Ramos
Published September 14, 2023 5:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza and david licauco in maging sino ka man


Sa September 13-episode ng action-drama series na 'Maging Sino Ka Man,' inalagaan ni Carding (David Licauco) si Monique (Barbie Forteza) nang malasing ito sa bar.

Hindi lang aksyon, kundi punung-puno rin ng kilig ang bagong inaabangang drama sa gabi na Maging Sino Ka Man.

Sa September 13-episode ng GMA Telebabad series, hinanting ni Carding (David Licauco) si Monique (Barbie Forteza) para mabawi ang stuffed toy na si Tongtong, na pagmamay-ari ng isang batang alaga niya na may malubhang sakit.

Matapos matunton ang bahay ng dalaga, sinundan ni Carding si Monique at nagtagpo sila sa isang bar.

Hindi maalala ni Monique si Carding, na kumuha ng kanyang motor at muntikan na silang madisgrasya, dahil sa kalasingan.

Nag-alala naman si Carding kay Monique dahil wala ito sa sarili habang nagsasayaw sa bar.

Dahil alam naman niya kung saan ito nakatira, inihatid ni Carding ang dalaga sa bahay nito nang safe.

Nang naalimpungatan si Monique, humiling ito kay Carding na huwag siyang iwan. Hindi nga umalis si Carding sa kanyang tabi hanggang tumawag ang kaibigan ni Monique na si Tetay (Rain Matienzo) at ipinaalam dito na maayos ang lagay ng kaibigan.

Mukhang magkikita muli sina Carding at Monique matapos banggitin ni Tetay sa una na may naiwang stuffed toy si Monique sa art gallery.

Panoorin ang full episode sa video sa itaas.

Mapapanood ang Maging Sino Ka Man weekdays, 8:00 p.m. sa GMA, I Heart Movies, at Pinoy Hits. Ipinapalabas din ang special limited series sa GTV at 9:40 p.m.

Mapapanood din ang Maging Sino Ka Man online kasabay ng pag-ere nito sa TV via Kapuso Stream.

Available naman ang catch-up episodes at episodic highlights ng programa sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.

Ang Maging Sino Ka Man ay mula sa direksyon ni Enzo Williams.