Article Inside Page
Showbiz News
Inaabangan ng lahat ang next step ni Carl Guevarra sa pagiging daring, but just how sexy is he willing to go? He spills the beans in this interview!
Inaabangan ng lahat ang next step ni Carl Guevarra sa pagiging daring, but just how sexy is he willing to go? Text by Karen de Castro. Photo by Mitch Mauricio.
Kapansin-pansin ang pagganda ng hubog ng katawan ni Carl Guevarra sa kanyang show ngayon, ang
Bantatay, and proud naman si Carl dahil pinaghirapan niya ang kanyang katawan ngayon. His career has also taken a turn for the sexy side dahil sa ginawa niya last month noong rumampa siya sa Cosmopolitan Bachelor Bash, where he showed a little bit of his back side. Hanggang ngayon ay inaabangan pa ng mga tao kung tuluyan na ngang magpapa-sexy si Carl dahil dito. But okay nga lang ba talaga kay Carl na magpa-sexy sa kanyang career?

“Oo, depende naman sa pagpapa-sexy mo kung malaswa siyang tignan, o ano, depende po yun e,” sagot ni Carl.
And gaano naman kaya ka-sexy at daring ang kayang gawin ni Carl?
“Sa akin, yung ginawa ko sa Cosmo, yun na yung pinaka-daring,” pag-amin niya.
Hindi naman naco-conscious si Carl sa atensiyon na kanyang nakukuha from being more daring and showing off more of his body. Instead, he welcomes it with open arms. “Okay lang na pagpiyestahan, ‘di naman nila makukuha e,” he says.
Dahil naman dito sa kanyang pagpapa-sexy ay naikukumpara na siya ngayon sa isa sa mga hottest Kapuso male stars, ang kanyang co-star na si Wendell Ramos. How does Carl feel about that?
“Sa'kin, masaya ako kasi si Kuya Wendell, kasama ko sa
Jejemom ‘yan. Ang sa’kin kasi, ina-idolize ko yan kasi kahit ganun na siya, inaalagaan niya ang pangangatawan niya, at saka mabait.”
Until his next sexy appearance, patuloy na mapapanood si Carl sa
Bantatay at
Jejemom only on GMA.
Pag-usapan si Carl sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!