
Hindi pa tapos ang love month sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento dahil maghaharap ang dalawang manliligaw ni Clarissa Manaloto (Angel Satsumi).
Mahulog kaya ang loob ng unica hija nina Pepito (Michael V.) at Elsa Manaloto (Manilyn Reynes) sa guwapong kapit-bahay nito na si Carl (Anton Vinzon) o mas lamang sa puso ni Clarissa ang classmate niya na si Jigs (Dom Pangilinan)?
Kaya isigaw online kung sino ang napupusuan n'yo for Clarissa- boto ba kayo kay BBS CARL (Anton Vinzon) o kay BBS JIGS (Dom Pangilinan)?
Abangan ang special guesting ng Pinoy Big Brother 'Astig Anak-tion Star ng Baguio' na si Anton Vinzon sa award-winning sitcom this weekend!
RELATED CONTENT: THROWBACK PHOTOS NG PEPITO MANALOTO CAST
Kaya huwag magpapahuli sa masayang episode ng pamilya na hindi na kailangan i-lifestyle check sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa darating na March 14 sa oras na 6:15 p.m.
RELATED CONTENT: Meet Anton Vinzon, the boy next door who steals hearts