
Naging usap-usapan ang kakaibang wedding cake ng newlyweds na sina Carla Abellana at Dr. Reginald Santos. Online ay pinuna ng netizens ang kakaibang hugis nito at tinanong ang aktres kung bakit malayo ito sa tradisyunal na itsura ng wedding cake.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, January 14, nilinaw ni Carla na meron silang dalawang cakes sa kasal. Ang isa ay ang Strawberry Cheesecake, at itong slab cake.
Paliwanag ni Carla, “The slab cake, the parang elongated slab na isang layer lang po siya which is actually uso po kung tutuusin. If you look at trends, 2026 trends or what, even in the US, 'yan po 'yung usong design.”
Pagbabahagi rin ni King of Talk Boy Abunda, ilang weddings sa United States ay ganoon rin ang cake na ginamit.
Ngunit bukod sa pagiging trending, isang ideya na nagustuhan nila sa slab cake ay ang pagiging fully edible nito at maaaring i-serve sa kanilang guests.
“Nauuso po siya ngayon and we liked the idea kasi fully edible and we can serve the guests the wedding cake. We liked it, ang importante masarap at nagustuhan kasi 'yun naman po ang totoo,” sabi ni Carla.
Hindi rin umano napikon si Carla sa komento ng netizens tungkol sa cake dahil iyon naman umano ang totoo.
“Gusto namin, masaya kami du'n sa cake, and everybody got a slice. Kasi din, in a way, on a high pa kami from the wedding, so we're happy and excited pa so kapag ganu'n na may masasabi, opinion or what, criticism, it doesn't really affect us,” sabi ni Carla.
Panoorin ang panayam kay Carla dito:
TINGNAN ANG ILAN PANG KAKAIBANG ILLUSION CAKES SA GALLERY NA ITO: