Article Inside Page
Showbiz News
Mariing itinanggi ni
Makapiling Kang Muli star Carla Abellana na nagseselos siya sa mga kissing scenes ng boyfriend niyang si Geoff Eigenmann at ng leading lady nitong si Jackie Rice sa
Kasalanan Bang Ibigin Ka?.
Mariing itinanggi ni
Makapiling Kang Muli star Carla Abellana na nagseselos siya sa mga kissing scenes ng boyfriend niyang si Geoff Eigenmann at ng leading lady nitong si Jackie Rice sa
Kasalanan Bang Ibigin Ka?. In fact, suportado pa nila ang isa’t isa ngayong sunod-sunod ang kanilang mga TV projects.
“Hindi ko naman din kasi napapanood. I guess wala akong natitiyempuhan na mga ganung eksena,” sagot ni Carla ng tanungin ng
Startalk TX kung ano ang masasabi niya sa mga maiinit na eksena nina Geoff at Jackie, “Actually ang lagi kong napapanood yung mga drama, mga iyakan. Hindi ko naaabutan yung mga ganung [kissing scenes].”
Hindi rin naman daw niyang magawang magselos dahil lagi naman silang nag-uusap ni Geoff. “Hindi naman ako nagseselos. Almost everyday naman siya nagkukuwento about his show. Nagkukuwento siya tungkol sa mga co-actors niya, sa daddy niya, lalo na. Tapos sa kung ano man ang nangyayari sa set,” kuwento ni Carla. Kahit papaano daw ay updated naman siya sa activities at experiences ng boyfriend sa nasabing afternoon show.
Hiningan rin ng
Startalk TX si Carla ng mensahe para sa mga taong hindi naniniwalang magtatagal ang relasyon nila ni Geoff. “We are going strong, we are very happy. We continue to love each other and take good care of each other so hindi totoo yan. Hangga’t hindi nanggagaling sa amin mismo, walang katotohanan. Huwag silang maniniwala,” paliwanag niya.
Ayon kay Carla, habang nagtatagal daw ang relasyon nila ni Geoff ay dumadami ang natututunan nila sa isa’t isa. “Napakatahimik namin, reserved kaming tao. Hindi kami yung machika or outgoing. Isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya na nagustuhan niya rin sa akin. Pero yung along the way, habang nagtatagal na rin kami, mas natututo na kaming maging outgoing, expressive, makuwento, friendly, yung ganun. So at least diba, we bring out the best in each other,” dagdag pa niya.
Looking forward rin si Carla sa kanyang bagong role as journey host sa malapit ng magsimula na
Protégé: The Battle for the Big Artista Break. “As journey host, I will be dealing with the emotions of the protégés,” she notes with a smile.
Pati raw si Geoff ay excited rin para sa kanya. “Excited siya sa panibago kong project, [lalo na’t] makakasama ko pa mommy niya dito,” shares Carla, referring to Direk Gina Alajar, who will serve as one of the mentors.
Mapapanood si Carla Abellana sa
Makapiling Kang Muli ng GMA Telebabad pagkatapos ng
Luna Blanca, at sa
Protégé: The Battle for the Big Artista Break, soon on GMA-7.