
"Kailan ka ikakasal?"
Isa lamang 'yan sa mga nakaugaling itanong ng ilang Pinoy sa mga dalaga at binata kapag mayroong family gathering.
Itinuturing itong toxic culture sa bansa ng ilan dahil tila may sine-set na deadline sa kanila para magpakasal at bumuo ng pamilya.
Amindo ang newly-engaged couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez na maraming beses na nilang naranasan ito, hindi dahil sa kanilang mga kamag-anak, kundi sa kanilang libu-libong fans lalo pa at magpipitong taon na silang magkasintahan.
Sa panayam ng GMA International sa TomCar sa kanilang virtual media conference noong Martes, March 23, bahagi ni Tom, "I was getting a lot of it. At first, I would feel the pressure years back.
"Buti na lang I was blessed enough with the people around me who would gave me that advice na 'wag magpa-pressure agad kasi, ultimately, kayo 'yung nasa relationship so it's between the two of you."
Ayon pa kay Tom, nakatulong ang pagturing niya rito bilang compliment kaysa ma-pressure sa sasabihin ng ibang tao.
Saad niya, "If you think about the external stuff instead of viewing something flattering, meaning they must see something in you that they want you, guys, to end up together.
"That's a good sign kaysa isipin nila na, 'Ay, 'di sila bagay together.'
"So, I started viewing it as something flattering and I didn't let it pressure me kasi if you, guys, force something just because of what the other people want to happen to you, then it might be the reason pa kung bakit hindi mag-work ang isang bagay."
Diin pa ni Tom, "It was really your gut feel e. You will know when it's the right time."
Samantala, ganito rin ang naging pahayag ng kanyang nobyang si Carla.
Payo niya sa mga magnobyo't nobya, huwag magpaapekto sa pandidikta ng iba tao dahil sila lamang ang nakakaalam kung kailan ang tamang panahon para lumagay sa tahimik.
Ani Carla, "'Wag sila papadala sa pressure because kung magpapakasal lang kayo because nape-pressure kayo or magkaka-baby kayo dahil nga hinahanapan na kayo ng baby, hindi naman magandang reason 'yun, 'di ba?"
"So it really all depends on you, as an individual, you have to be ready.
"Kailangan buo ka and as a couple, kailangan ready din kayo.
"Some couples aren't even together for years pero kinakasal na sila, it works out.
"Ang dami naman din they lived together for so many years and yet it doesn't work out.
"So, it really depends on the both of you, it really depends kung ready na kayo and if it's something you ultimately want."
Inanunsyo nina Carla at Tom ang kanilang engagement noong March 21, 2021, limang buwan matapos itong mangyari noong October 2020.
Naging magkasintahan ang dalawa noong 2014, matapos mapalapit sa isa't isa nang magtambal sa GMA series na My Destiny.
Balikan ang love story nina Carla at Tom sa gallery na ito: