
Sa ibang bansa aabutan ng Valentines Day ang mga Kapuso stars na si Carla Abellana at Tom Rodriguez.
Lilipad kasi sila sa Japan sa unang linggo ng February.
"Nandoon kami ng Valentines [Day]. I'll be with my family, complete kami. Buti na lang si Tom will be able to join us," pahayag niya sa ilang piling miyembro ng media, kabilang na ang GMANetwork.com.
"Excited kami kasi Japan is one of our favorite places to visit. Malamig ang panahon, masarap. [We will] enjoy good food. Kasama pa 'yung family and si Tom so excited kami sa trip na 'yun," dagdag pa niya.
Kamakailan, pumira si Carla ng renewal ng kanyang exclusive contract sa GMA Network. Bukod dito, ipinagdiriwang din niya ang kanyang ika-10 taon sa showbiz.
Carla Abellana cries tears of joy as she renews ties with GMA Network
Sa ngayon daw, iniisip pa ni Carla kung anong klaseng celebration ang pwede niyang gawin para dito.
"Honestly, it's not for myself kung magse-celebrate man ako ng 10th year. Siguro something to give back to the fans pero pag-iipunan ko muna para makapag-celebrate kami. Maghanda ako or mag-donate ako sa charity. Work muna ako para meron akong pang-celebrate ng 10th year," ani Carla.