GMA Logo Carla Abellana and Rocco Nacino
What's on TV

Carla Abellana at Rocco Nacino, naniniwala sa pagbibigay ng second chance?

By Aedrianne Acar
Published September 22, 2021 11:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana and Rocco Nacino


Unconditional love nga ba ang pagbibigay ng isa pang pagkakataon sa taong mahal mo pero sinaktan ka?

Napa-isip ng mabuti ang mga bida ng upcoming primetime series na To Have And To Hold na sina Carla Abellana at Rocco Nacino sa tanong sa grand media conference kahapon, September 21, tungkol sa pagbibigay ng second chance sa taong nanakit sa kanila.

Tanong ni Georgia Fritada sa dalawang bida: "Pagiging martir o unconditional love ba ang pagbibigay ng second chance sa taong mahal mo pero sinaktan ka ng bongga?"


Dinaan muna sa ngiti ni Carla bago sinagot ang tanong ng press at umaming mahirap na tanong daw ito. Hirit ng aktres na gaganap na Erica sa primetime series, “My God! Ang hirap sagutin ng question na 'yan ah.”

Pero sa tingin ng Kapuso actress, naniniwala siya na “unconditional love” ang pagbibigay ng second chance sa taong minahal mo pero labis kang sinaktan.

Paliwanag niya, “Unconditional love of course. Definitely unconditional love, but sa totoo lang I mean siguro it's obvious naman na when the love of your life commits the same mistake over, over, over again and you in turn keep forgiving over, over and over again, it comes to a point nagiging martir ka na.

“But then I'd like to believe that it is unconditional love, most especially because we are committed to each other hindi lang in paper, personally [sa mga] Catholic you know in front of God 'di ba. With me kasi, you will do everything, anything to save your marriage, but gosh napakahirap ng tanong.”

Sumang-ayon naman ang leading man ni Carla na si Rocco Nacino sa sagot nito.

Opinyon ng StarStruck hottie, “Definitely, I agree with Carla unconditional love yan. You compare it to happening over and over again, I mean love makes us do things. Things that sometimes we may regret, sometimes makakabuti and sometimes it can be stupid. It is definitely unconditional love, but there's a thin line to it. Alam mo 'yun? Unconditional love leading to pagiging martir.”

Heto ang ilang kilalang celebrity couple na piniling magmahalaan uli at nagkabalikan sa gallery na ito.