GMA Logo tom rodriguez, carla abellana
Photo source: Pat Dy
What's Hot

Carla Abellana at Tom Rodriguez, nakakuha ng suporta mula sa kanilang fans

By Jansen Ramos
Published June 17, 2022 6:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

tom rodriguez, carla abellana


Hindi pa man din tukoy kung ano ang tunay na estado ng mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez, maraming mga tagahanga nila ang nagdadasal para sa kanila.

Sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan, nakakuha ng mensahe ng suporta ang Kapuso couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez mula sa kanilang fans.

Hindi pa man din tukoy kung ano ang tunay na estado ng mag-asawa, maraming mga tagahanga nila ang nagdadasal para sa kanila.

Tulad na lamang ng avid TomCar fan na si Mary Simangan Vocal Languian. Sa kanyang Instagram account, sinabi niyang naniniwala siyang magkakaayos pa ang controversial showbiz couple na mabigat ang pinagdaraanan ngayon.

"No matter what #TomCarForever pa rin. Nandito pa rin po ako at bilang isang tomcar fan lover hindi po ako magsasawang suportahan ang aking iniidolo!

"Umaasa pa rin akong pag dumating ang tamang panahon na magkaayos po kayong dalawa! Dahil naniniwala po ako na mananaig pa rin ang pagmamahal ninyo sa isa't-isa.
Mahal na mahal po namin kayo hanggang sa dulo!

"God, please protect them from the evil eye," sulat ni Mary.

A post shared by Mary Simangan Vocal Languian (@languianjheahope)

Noong Huwebes, June 16, lumutang sa social media ang sagot ni Carla sa commenters niya sa YouTube channel niya patungkol sa isyu nila ni Tom.

Dinepensahan ni Carla ang kanyang sarili sa mga negatibong komento tungkol sa pagsasama nila ni Tom at sa mga nag-aakusa sa paghingi niya ng tulong sa social media.

Sa palagay ng fan ni Carla na si Rodelete Dhy Estudillo, hindi kailangang magpaliwanag ng aktres "sa mga taong makikitid ang pag-uugali at pang-unawa."

A post shared by Rodelete Dhy Estudillo (@its_all_about_mhe)

Parte ng reply ni Carla sa komento niya sa isang netizen ay ang paghiyakayat niya kay Tom na magpatingin, magpagamot, at magpagaling.

Bagamat hindi tinukoy ni Carla kung ano ang partikular na lagay ni Tom, naniniwala ang fans ng aktor na malalagpasan din niya ito.

Ika ng avid fan ni Tom na may Instagram handle na grateful579lsgtom, "Nothing is permanent in this world, not even our troubles. But Troubles come and go.

"Troubles test our faith, whether you give up or strengthen your resolve. Look at trouble as something that will strengthen your character, something that will be a chance for you to grow and be a person who can handle any obstacles.

"If you see problems as something that will obstruct your growth, believe me you will prevent yourself from being the person you want to become. Look at troubles as something that will help you grow and be the best version of yourself.

"Rise above troubles and it will pass."

A post shared by Tom Rodriguez and Lee Seung Gi (@grateful579lsgtom)

Samantala, nakisimpatiya rin ang GMA Network kina Carla at Tom, na dalawa lamang sa maraming naglalakihang artista ng istasyon, sa pamamagitan ng isang statement na inilabas ngayong Biyernes, June 17.

Naging saksi ang network sa pag-iibigan ng dalawa na nagsimula noong ginawa nila ang ikalawa nilang TV project together na My Destiny na ipinalabas noong 2014 kung saan sila lubos na nakiala bilang love team. Unang silang nagkasama sa 2013 Kapuso primetime series na My Husband's Lover na isa lamang sa maraming hit dramas ng GMA.

Ikinalulungkot ng GMA ang kinahinatnan ng pagsasama nina Carla at Tom na pitong taon nang magkarelasyon. Ikinasal sila noong October 2021.

"We are saddened by the recent turn of events involving GMA artists Carla Abellana and Tom Rodriguez," sulat sa statement.

Kaya naman walang ibang hiling ang network kundi ang pag-aayos ng dalawa.

"It is our prayer that they will be able to resolve their issues at the soonest possible time and in the most amicable manner."

Sa huling parte ng pahayag ng GMA, humiling ang network sa publiko na umiwas sa pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol kina Carla at Tom.

"We also request their fans, supporters and the public to refrain from spreading various speculations about them. Thank you."

Tingnan ang relationship timeline nina Carla at Tom sa gallery na ito: