GMA Logo Carla Abellana
PHOTO SOURCE: @carlaangeline
What's on TV

Carla Abellana, binigyang halaga ang happiness, fulfillment, at self-love

By Maine Aquino
Published September 19, 2022 6:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana


Alamin ang mga bagay na nagpapasaya ngayon kay Carla Abellana.

Inamin ni Carla Abellana kung gaano kahalaga sa kanya na mahanap ang kanyang happiness.

Kuwento ni Carla sa Sarap, 'Di Ba? last September 17, "Of course, kailangan 'yun. Important 'yun."

PHOTO SOURCE: @carlaangeline


Ibinahagi rin ni Carla kung paano niya nalalaman kung masaya ba siya.

Ani Carla, "Saka mo siya malalaman kapag mag-isa ka na. Doon mo mararamdaman, doon mo maiisip pag nagre-reflect ka na na, masaya ba ako? fulfilled ba ako? Doon mo siya mas maaano, mararamdaman."

Ayon din sa Kapuso actress, mahalaga na mahanap ang happiness sa sarili.

"Dapat mahanap mo 'yun sa sarili mo. Dapat hindi mo mahanap 'yun sa ibang tao or sa ibang bagay. Dapat you'll find happiness from within."

Sa pagbisita ni Carla sa Sarap, 'Di Ba? ay isang sorpresang video naman ang inihanda nina Carmina Villarroel, Mavy at Cassy Legaspi para sa kanya. Ito ay mula sa kaibigan ni Carla na sina Valeen Montenegro, Ina Feleo, at Max Collins na nagbahagi ng mga nagpapasaya sa aktres.

Panoorin ang mga kuwento nina Valeen, Ina, at Max sa video na ito:


SAMANTALA, NARITO ANG STUNNING LOOKS NI CARLA ABELLANA: