
Mukhang masaya na ulit ang puso ni Carla Abellana at tila nakahanap na muli ng pag-asa para magmahal.
Sa isang panayam kasama si Julius Babao, inamin ng Kapuso actress na handa na ulit ito sumabak sa mundo ng dating.
"Yes, sa maraming bagay," sagot ni Carla nang tanungin kung bukas na muli ang kaniyang puso. "Hindi naman po sa dating, dating, 'yung typical dating na lumalabas na ganyan pero lagi ko naman pong sinasabi na open naman po ako."
Dagdag ng aktres, "Lagi ko pong sinasabi na may mga nagpaparamdam pero syempre, nag-iingat din po ako na after what happened to me mga ganon. Kailangan pipiliin ko po talaga ng mabuti."
Ibinahagi rin ni Carla ang mga katangian na hinahanap niya sa isang lalaki.
"Ang importante, integrity po diba, 'yung honesty, 'yung respect," sabi ni Carla.
Inamin ni Carla na marami na itong natutunan sa kaniyang past relationship kaya naman ay pinapansin niyang mabuti ang mga "red flags" na makikita niya.
"Honest, may respeto, wala pong tinatagong kahit anong bagay at tsaka mabait. Simple lang, integrity at tsaka mabait," pagbigyang-diin ni Carla sa mga katangian na hinahanap niya sa isang lalaki.
Naniniwala rin si Carla na ang pagmamahalan ay wala sa tagal ng isang relasyon dahil ang pinakaimportante ay ang kilalanin ang pagkatao nito.
Ikinasal si Carla sa kaniyang ex-husband na si Tom Rodriguez noong October 2021. Nauwi sa divorce ang kanilang kasal noong June 2022.
Panoorin ang buong panayam ni Carla Abellana rito:
Samantala, tingnan dito ang mga celebrity couples na nauwi sa annulment o divorce ang relasyon: