
Kuwento ng Kapuso actress, nag-walkout nga si Tom pero hindi dahil sa lumalabas na balitang hindi nagustuhan ng aktor ang pagkaka-dub ng ilan sa kanyang mga eksena.
By MICHELLE CALIGAN
Sa naganap na press conference ng kanyang upcoming primetime series na Because of You, nilinaw ni Carla Abellana ang pag-walkout daw sa premiere night ng pelikulang No Boyfriend Since Birth ng kanyang leading man na si Tom Rodriguez.
READ: Fall in love and laugh-out-loud with GMA Network's newest romantic-comedy series 'Because of You'
Kuwento ng Kapuso actress, nag-walkout nga si Tom pero hindi dahil sa lumalabas na balitang hindi nagustuhan ng aktor ang pagkaka-dub ng ilan sa kanyang mga eksena.
"Nag-walkout siya, honestly, dahil ang tiyan niya ay sira. We had a mall show right before the premiere night sa Fisher Mall. Doon pa lang, pagdating na pagdating niya ng mall show, lubog na 'to (eyes), walang energy. So right away, people were rushing. 'Bigyan ng [drinks], bigyan ng kung ano man.' Buti na lang may food doon, kumain siya kahit walang gana, tapos water ng water. So kahit papano, nagising siya."
Tom was able to perform at the mall show, but he still wasn't perfectly okay.
"He was able to perform at the mall show, only to find out during the premiere night na tiyan naman niya [ang may problema]. So before the premiere night, nakapag-restroom na siya. Eh siguro hindi pa tapos (laughs), masama talaga ang tiyan niya."
LOOK: 'Marimar' leading man Tom Rodriguez makes rough animation to promote 'NBSB'
Muli niyang pinabulaanan na hindi nagtatampo si Tom sa Regal Films, ang producer ng kanilang pelikula.
"Hindi po. Hindi lang daw niya talaga matiis na. Sabi niya, 'As much as I want to stay, I don't want to make a mess in my seat.' Call of nature."
Dagdag pa ng aktres, "A movie is still a movie, 'di ba? Kumbaga, hindi lahat nabibigyan ng opportunity na mabigyan ng movie sa dami ng artista. I'm sure go 'yan, mabibigyan ng bagong movie ng Regal."
READ: Carla Abellana introduces Andrea of 'Because of You' to the public