GMA Logo Carla Abellana
Courtesy: carlaangeline (IG) and GMANetwork.com
What's on TV

Carla Abellana, excited makatrabaho ang 'Widows' War' stars

By EJ Chua
Published March 4, 2024 7:02 PM PHT
Updated June 13, 2024 8:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana


Ano pa kaya ang ine-expect ni Carla Abellana sa next taping niya para sa 'Widows' War?' Alamin DITO:

Kabilang si Carla Abellana sa star-studded cast ng upcoming murder mystery drama series na Widows' War.

Nito lamang February, nagsimula na ang taping para sa bagong proyekto ni Carla.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa aktres, sinabi niyang inaasahan niyang mas magiging challenging ang susunod nilang gagawin na mga eksena.

Sabi niya, “Expectations ko next tapings… mas mabibigat 'yung mga eksena, mas magiging challenging. Pero okay lang 'yun, normal lang.”

“As the story goes, 'yung kuwento ganon din, nagde-develop, magiging darker,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Carla, isa sa mga nilu-look forward niya ay susunod na tapings kasama ang iba pa niyang co-stars sa serye.

“Of course, marami pa akong co-stars at co-artists na makaka-eksena sa susunod na taping days,” pagbabahagi ng aktres.

Kasama ni Carla sa serye sina Bea Alonzo, Timmy Cruz, Jackie Lou Blanco, Jeric Gonzales, at marami pang iba.