
Muling pinatunayan ni Carla Abellana na with or without makeup ay serving ang kanyang beauty.
Sa isang Instagram post, ibinida ni Carla ang kanyang face card without makeup sa bago niyang selfies.
Mapapansin sa photos ng A-list Kapuso star ang kanyang natural rosy cheeks, perfect eyelashes, at glowing skin.
Sa comments section ng kanyang latest post, mababasa ang positive comments ng kanyang followers at iba pang netizens tungkol sa kanyang taglay na kagandahan.
Bukod sa kanila, napa-comment din ang kanyang fellow celebrity at OG Sang'gre na si Iza Calzado at marami pang iba.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 52,000 heart reactions ang bare-faced selfies ng aktres.
Samantala, huling napanood si Carla bilang si Georgina Balay-Palacios sa GMA murder mystery drama series na Widows' War.
RELATED CONTENT: Carla Abellana's fitness transformation photos