What's on TV

Carla Abellana, gaganap na Mary Ann Armstrong sa 'Voltes V: Legacy'

By Jansen Ramos
Published April 7, 2022 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

carla abellana in voltes v legacy


Carla Abellana sa pagiging parte ng 'Voltes V: Legacy': "'Yun po [ang] nagpapasaya sa 'kin ngayon talaga, nakakapagpangiti sa 'kin nang malaki."

Feeling blessed and grateful si Kapuso Carla Abellana sa bago at malaki niyang proyekto na gagawin sa GMA.

Ibinalita ni Carla sa 24 Oras kagabi, April 6, na magiging bahagi siya ng inaabangang live-action adaptation series na Voltes V: Legacy.

"Napakalaking blessing sobra, 'yun po [ang] nagpapasaya sa 'kin ngayon talaga, nakakapagpangiti sa 'kin nang malaki," bahagi niya kay 'Chika Minute' reporter Lhar Santiago.

Gaganap si Carla bilang si Mary Ann Armstrong, ang ina ng tatlo sa Voltes 5 members na sina Steve, Big Bert, at Little John. Sina Steve, Big Bert, at Little John ay gagampanan nina Miguel Tanfelix, Matt Lozano, at Raphael Landicho.

A post shared by Voltes V: Legacy (@voltesvlegacy)

"I play the role of Mary Ann Armstrong, isa akong scientist. [She's] very educated, very skilled. She's quite stern, medyo magpa-strict and serious."

Nagsimula na nga siyang mag-taping at hindi raw niya napigilang humanga sa laki ng proyekto.

Pagpuri ni Carla sa Voltes V: Legacy, "Ang ganda-ganda po ng set, ang ganda ng costume, ang huhusay po ng mga bata umarte. It's amazing buti 'di po ako na-distract."

Malaking bahagi ng sumer ay gugugulin ni Carla sa taping ng Voltes V: Legacy. Pero, aniya, nagpaplano rin ang kanilang pamilya mag-out of the country ngayong panahon ng tag-init.

Ang Voltes V: Legacy ay ipo-produce ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero at sa direksyon ni Mark Reyes.

Lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng Toei Company, ang Japanese production company na nag-produce ng Voltes V, at Telesuccess Productions, Inc.--ang licensing company ng Toei sa Pilipinas.

Samantala, narito ang kumpletong listahan ng mga artistang kabilang sa highly-anticipated Kapuso series: