Ano kayang role ang babagay sa Kapuso actress? By LORIE RAMIREZ
Sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng Heneral Luna, hindi lang sa takilya kung 'di pati na rin sa pagkapili nito bilang official entry ng bansa sa 2015 Oscars Awards, hindi malayong masundan ito ng isa pang bio-pic film.
Ayon sa ulat ng Chika Minute, maaring ang susunod na pelikula ay tungkol kay Gen. Gregorio del Pilar na ginampanan ni Paolo Avelino sa Heneral Luna. Kaya naman, ilan sa mga artista na humanga sa obra ni Jerrold Tarog ay nais na mapabilang sa mga kasunod nitong mga pelikula. Isa na rito si Carla Abellana, na sa unang linggo pa lamang ng Heneral Luna sa takilya, ay nagpost na sa kanyang Instagram account ng paghanga sa pelikula.
“I would do anything to be part of any of those succeeding films (and i pray that i'll be allowed to), even if i play the role of an extra who just happens to be passing by. That's how amazing #HeneralLunaTheMovie was made that i immediately want to be part of the sequel. The fact of the matter is, you guys have to watch #HeneralLuna first for it to succeed in the box office. And trust me, it's WORTH EVERY CENT. Walang halong biro. Walang halong bola.”