GMA Logo carla abellana and tom rodriguez
What's Hot

Carla Abellana, hanga sa dedikasyon ni Tom Rodriguez

By Cherry Sun
Published May 31, 2020 5:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

carla abellana and tom rodriguez


“Bilib ako dito," sabi ni Carla Abellana tungkol sa kanyang boyfriend na si Tom Rodriguez, na kahit abala sa kanyang fund-raising effort ngayong may COVID-19 crisis ay wala raw napapabayaang responsibilidad.

Hanga si Carla Abellana sa ipinapakitang kasipagan at dedikasyon ni Tom Rodriguez sa kabila ng kanyang patong-pato na responsibilidad sa bahay at sa #GuhitPantawid.

Hindi raw nagpapabaya ang aktor kahit abala ito sa kanyang fund-raising effort para sa mga tsuper at street vendors ngayong may krisis dahil sa COVID-19.

Sabi ng kanyang girlfriend na si Carla, “Bilib ako dito. Mahigit isang buwan na niyang pinaghihirapan at pinagpupuyatan ang #GuhitPantawid.

"Nagagawa pa rin niyang gumising ng maaga kahit puyat siya dahil dito, maghugas ng mga pinggan, magpakain ng mga aso, mag walis, mag mop, mag sort ng basura at tapon ng basura, maglinis ng mga wiwi at poopoo ng mga aso, mag grocery run, atpb... kahit mahigit isang daang larawan ang kailangan niyang tapusin.”

Bigay-diin ni Carla, very committed daw ang kanyang nobyo kahit hindi ito bayad sa kanyang ginagawa.

Aniya, “Akala ng marami nagbayad sila kay Tom para gawin ang larawan nila. Hindi po. Ang panggastos po ng mga tsuper at street vendors ang binayaran niyo po. Hindi po ang larawan niyo na gawa ni Tom. Libre niya pong ginagawa ito para sa inyo.”

Ikinuwento rin ng aktres ang iba't ibang isitilong ginagawa ni Tom sa pagguguhit para siguraduhing unique at de-kalidad ang mga kinomisyon sa kanyang sketches.

Wika ni Carla, “Basta ang alam ko lang lahat maganda. Kaya pasensya na po kung medyo natatagalan.

"Hindi din po namin inakalang ang dami pong magdo-donate kay medyo nabigla po siya. Pero maraming salamat po. Konting hintay nalang po at makukuha niyo narin po ang inyong #GuhitPantawid”

Bilib ako dito. Mahigit isang buwan na niyang pinaghihirapan at pinagpupuyatan ang #GuhitPantawid ✍🏻 Nagagawa parin niyang gumising ng maaga kahit puyat siya dahil dito, maghugas ng mga pinggan, magpakain ng mga aso, mag walis, mag mop, mag sort ng basura at tapon ng basura, maglinis ng mga wiwi at poopoo ng mga aso, mag grocery run, atpb... kahit mahigit isang daang larawan ang kailangan niyang tapusin. Na walang bayad yan ha. Akala ng marami nagbayad sila kay Tom para gawin ang larawan nila. Hindi po. Ang panggastos po ng mga tsuper at street vendors ang binayaran niyo po. Hindi po ang larawan niyo na gawa ni Tom. Libre niya pong ginagawa ito para sa inyo. . Alam niyo po bang minsan inaabot po siya ng tatlong araw para tapusin ang isang larawan lang? Opo. Dahil hindi po niya dinadaya ang mga larawan ninyo. Hindi po di-copy paste at basta-bastang tracing lang po. Iba't-ibang istilo pa po ng pag drawing ang ginagawa niya. May mala-anime, may ala-disney, may ala-watercolor, atbp. Ang galing. May kanya-kanya pa pong request yan kung paanong itsura ang gusto nila ha. Bawat isa pinapa-aprubahan niya pa sakin na hindi ko naman alam kung bakit eh wala naman akong alam diyan. 😅 . Basta ang alam ko lang lahat maganda. Kaya pasensya na po kung medyo natatagalan. Hindi din po namin inakalang ang dami pong mag-dodonate kay medyo nabigla po siya. Pero maraming salamat po. Konting hintay nalang po at makukuha niyo narin po ang inyong #GuhitPantawid 🙏🏻

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline) on


Muling napapanood ang tambalan nina Carla at Tom sa My Husband's Lover sa GMA Telebabad.

Tom Rodriguez, tuloy ang pagguhit para sa 'Guhit Pantawid: Portraits for a Cause' sa kabila ng pressure

Carla Abellana praises Tom Rodriguez for drawing portraits for charity