
Bukod sa dragon boat racing, nag-aaral din pala ng Mandarin si Kapuso actor Tom Rodriguez bilang paghahanda sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Dragon Lady.
Ang nobya at kapwa Kapuso star niyang si Carla Abellana, hanga daw sa dedikasyon ni Tom sa role.
"Medyo nacha-challenge siya kasi 'yung role niya doon, Chinese. Lately nagpa-practice siya ng kanyang Mandarin," bahagi ni Carla.
Hanga naman daw siya sa bilis ni Tom na matuto ng lenggwahe.
"Ang galing galing naman din niyang maka-pick up. Ang bilis! Parang may naririning akong nagma-Mandarin bigla sa paligid ko. Tapos hindi ko akalain, siya na pala 'yun," aniya.
Bukod dito, masaya daw siya na may bagong teleserye si Tom.
"Excited naman siya at ako mas excited ako for him. Sabi ko, 'Good! At least may work ka na.' Excited ako for him kasi magiging busy na siya ulit," pagtatapos ni Carla.
Bukod kay Tom kabilang din sa cast ng Dragon Lady sina Janine Gutierrez, Joyce Ching, EA Guzman, James Blanco, Maricar De Mesa, at Diana Zubiri. Abangan ito simula March 4 sa GMA Afternoon Prime!