
Tumanggap ng papuri si Carla Abellana sa mga sumusubaybay ng Stolen Life.
Sa GMA Afternoon Prime serye ni Carla ay napapanood siya bilang Farrah. Si Lucy ang orihinal na karakter ni Carla, ngunit dahil sa astral travel ay napunta ang kaluluwa ni Farrah sa katawan ni Lucy para agawin ang kaniyang buhay.
Ayon sa mga nanood ng Stolen Life ay napahanga at naiinis sila dahil sa husay na pagganap ni Carla bilang Farrah. Ito ay malayo sa mga dating roles na ginagampanan ng Kapuso Primetime Goddess na laging sweet at mabait dahil si Farrah ay karakter na masama at mapagmanipula sa kapwa.
Saad ng isang netizen, "bagay kay carla maging contra bida"
Komento naman ng isang tumututok sa Stolen Life, "c Carla effective kontrabida nakakabwisit haha"
Pinuri rin ng isang netizen ang mahusay na pagganap ni Carla.
"Galing ni Carla magkontrabida. Bakit ngayon lang siya binigyan ng ganto."
PHOTO SOURCE: YouTube
RELATED GALLERY: Meet the cast of 'Stolen Life'
Bukod sa paghanga sa Kapuso star, marami ring nagpahayag ng kanilang suporta at pagtutok sa gumagandang kuwento ng Stolen Life.
"Ang galing. ganda talaga story nato wala ako epesode na pinapalagpas lagi ko inaabangan to"
"Ang Ganda ng kwento♥️♥️" saad ng isang netizen. Ayon pa sa isang manonood, "Sobrang ganda talaga ng Stolen Life."
PHOTO SOURCE: YouTube
Tumutok sa gumagandang kuwento ng Stolen Life, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Network.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MEMORABLE ROLES NI CARLA ABELLANA RITO: