What's Hot

Carla Abellana, hindi nakaka-relate sa role niya sa 'Because of You'

By MICHELLE CALIGAN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 4, 2020 6:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



"First time ko ever mag-play ng role na walang family." - Carla Abellana


 

A photo posted by Carla Abellana (@carlaangeline) on

 

Diretsahang sinabi ni Kapuso actress Carla Abellana na hindi siya nakaka-relate kay Andrea, ang character niya sa primetime series na Because of You. Malayong malayo daw kasi ang personality nito sa kanya sa totoong buhay.

READ: Carla Abellana announces extension of 'Because of You' 

"Hindi, kasi si Andrea walang pamilya eh. Iniwan siya noong bata pa lang siya, orphan na siya. First time ko ever mag-play ng role na walang family. Although 'yung daddy niya bumalik, pineperahan naman siya. Wala ring kuwenta, ninanakawan lang siya. Medyo mahirap kasi si Andrea madalas niyang kausapin ang sarili niya. Ultimo ang pets niya, kinakausap niya," natatawa niyang paliwanag.

READ: Mag-amang Rey PJ at Carla Abellana, gaganap bilang mag-tatay sa 'Because of You' 

Taliwas daw ito sa pagiging family oriented niya.

"Si Carla, hindi naman ganun. Kasi ako, very family oriented talaga ako. Maliit lang ang pamilya ko pero pinaka-importante sila sa akin sa lahat ng bagay. At hindi mo naman ako makikita na kausap ang sarili ko."

Kung mayroon man silang similarities ni Andrea, ito ay ang pagiging independent at forgiving. Pero may pinagkaiba pa rin daw sila sa mga aspetong ito.

"Si Andrea, independent siya. Forgiving, kahit na i-massacre na siya ng isang tao papatawarin pa rin niya. Parang ganun. Si Carla, forgiving pero hanggang isang beses lang. Medyo malayo si Andrea."

MORE ON CARLA ABELLANA:

LOOK: Carla Abellana is ready for summer! 

Carla Abellana shares secret to her 'fair and fab' skin